Chapter 10

83 0 1
                                    

Charles’s  POV:

Nagising ako sa Sikat ng araw na tumutok sa aking mukha, Umaga na pala. Malinaw parin sa aking alaala yung mga nangyari kagabi. Hindi ko inaasahan gawin kay rina yun.

*flashback

“Uuwi na ko, Salamat nga pala.”  Tumingin ako sakanya.

“wala yun.” Tanging sagot nya.

“ Nagenjoy ako.” Sabay naming binigkas. Medyo nagka ilangan kami dahil sa mga nangyari.

“ salamat ulet.” Sabay hinalikan ko sya sa noo. SANDALI LANG! What the.. Bakit ko ginawa yun?!

Napatingin sya sa akin. Alam ko ! nakita ko sa mukha nya ang pamumula. Syet! Nakakahiya ang ginawa ko.

*present.

Ewan ko ba?! Ano ba mga pinag gagawa ko kagabi. Parang hindi ako yun! Iba rin kasi yung babae na yun, Iba sya. Ibang iba. May katangian syang talagang magugustuhan mo. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko , pag andyan sya. Pag kasama ko sya.

Tumunog ang phone ko, may nagtext.. si clarissa.

“Goodmorning babe!.” Text galing sakanya.

Napatingin ako sa oras... mukhang late na naman ako. 3 subjects na kong late! Hindi nalang ako papasok ng klase ko. Sa practice nalang ako pupunta. Tumunog ulit ang phone ko.

“ Hindi ka pumasok?” text galing kay.... Rina

“ Hindi.” Reply ko.

“ Paano yung tutorial natin?” tanong nya sa akin.

“ pwede ba bukas nalang?.” Sagot ko sakanya.

“ Eh.. hindi pwede , malapit na ang exam! TAMAD!” napangiti ako sa text nya. Haha! Naimagine ko yung mukha nya.

“ okay fine. After ng practice ko.. dito tayo sa bahay” reply ko naman.

“HUH!? Okay ka lang sa bahay nyo?!” sagot nya sa akin.

“ ayaw mo ! edi di wag! Wag na tayo maturuan.” Ano ba itong babae na ito , ang arte!

“ nakakabwisit ka naman! Kung hindi lang..... Oo na!” sagot nya.

“isama mo nalang si aileen at crystal, isasama ko sila carlo” baka kasi umalis sya. Pag nakapunta na sya dito.

“ Mas okay yan, sige ayain ko sila. :D” weird! Kala naman nya may gagawin ako sakanya!

“See you soon.” Reply ko.

Lumipas ang araw na ito parang tamad na tamad ako, ang weird pero mas weird ito! hindi ko alam bakit ganoon. Hindi ko naman sya iniisip pero bigla bigla nalang sya pumapasok sa isipan ko. Ang kanyang maamong mukhang ang aking naalala. Yung gabi din yon.. nakatatak parin sa aking isipan yung salitang binitawan nya.

“. Alam ko , hindi pa ganun kalaki ang tiwala mo sa akin pagdating sa ganyan bagay. Pero PROMISE! Kahit gaano kahaba yan. Makikinig ako” – Rina.

Hindi ko tuloy maiwasan hindi ngumiti pag naalala ko yun.

“BRO! Tulala ka dyan, kanina ka pa ganyan.” Boses ng andy.

Nabasag ang aking malalim na pagiisip nung dumating si andy.

“ha? Ah. Eh... anong kanina pa ko ganyan?” sabay tingin ko sakanya.

“kanina ka pa lutang.. kanina pa. Sa practice game palang.”  Sabay bigay nya sa akin ng bola.

“ hindi ah.” Maikli kong sagot.

“ Si clarissa ba?” sagot nya sa akin.

“bro alam mo naman diba? Hindi..” bakit ko proproblemahin yun, alam nya naman.

First Love... Does it ever End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon