............................................ Charles “.
Aww! Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Sobrang Bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako nakatulog ng maayos .. Simula nung gabing yon nagbago ang lahat. Naging okay kami ni Charles.. Napalapit ako sakanya. Ewan ko kung ganoon din sya,parang ganoon eh. ewan ko ? ramdam ko eh. Mas Madalas sya ang kasama ko kesa kila ivan at aileen, hindi dahil may something samin . Sympre dahil doon sa tutorial! Okay naman pala si Charles. Okay sya! As in. May pagkasweet, kaso lagi parin nang aaway. Moody sya eh. Sobra! Pero kahit ganoon okay padin!.. konti palang ang alam ko sakanya pero unti unti naman nya kinkwento ang mga bagay-bagay about sa buhay nya. Mas madalas nga lang sya magkwento about kay ... kay clarissa. Ewan ko sa tuwing yun ang topic hindi ko maiiwasan malungkot. Ang weird talaga....
“ Magkikita pala kami ni Clarissa ngayon, Maaga tayong matatapos diba?.” Nakatingin skin si Charles.
“ oo na , mas inuuna mo pa kasi yan, malapit na ang exam. “ sagot ko sakanya.
“ alam ko naman yun eh. Diba nga sabi mo , mabilis akong matuto. Okay na yan !” sagot nya sakin.
“ Mahal mo na ba sya?.” Hindi ko alam bakit ko natanong yun. Teka! Bakit ko nga ba sinabi yun?
Tumingin lang sya sakin.
“ bata pa ko para dyan.” Medyo nabingi ata ko sa sinabi nya? Baliw ba ito? Hindi ko sya maintindihan. Gustong gusto nya yun lagi Makita,makasama, makausap .. ano pa ba? Tapos hindi nya mahal.
“eh ano? Halos lagi mo ngang syang knkwento , gusto Makita at makasama. Eh ano tawag doon?”. Takang tanong ko sakanya.
Tumahimik sya. Parang nagisip. “Ewan ko.”.... “ Ang alam ko Gusto ko sya. “ Eto nanaman itong nararamdaman ko. Bumibilis nanaman sya. parang ang sikip sa dibdib. Nasasaktan ako? Tama ba? Bakit naman?!. May sinabi sya at bigla syang umalis. Ano yun? Parang hindi ko narinig? O lutang lang ako kaya hindi ko naintindihan? “ Mauuna na ko ah, kita nalang tayo bukas – Charles” yun pala yung sinabi nya.
Lagi nalang sya yung nauunang umalis.
IVAN’S POV :
Hindi na kami masyadong nagkakasama ni Rina, Sobrang Busy nya na kasi. Madalang na kami magkatext. Kung magbonding kami, isang beses nalang sa isang linggo. Kala mo magkaiba kami ng school. Nasa iisang section lang kami, Ang lapit nya lang sakin pero bakit ganoon? Parang ang layo na nya. Sobrang layo na. Nakakamis yung mga araw na lagi kaming magkasama. Magkatext. Nakakamis ka na Rina...
Hindi ko alam. Mas napapadalas yung pagiisip ko sakanya. Hindi na ko makatulog ng maayos dahil hinihintay ko sya magtext. Madalang na sya magreply. Sana Bago pa mangyari ito , nasabi ko na sayo.....
“ Teka Si rina yun ah? Nagiisa sya. Hindi.. Si Charles kakaalis lang.” Gusto ko sana syang lapitan.
Boses ng mga kababaihan :
“ NAPAPADALAS ATA NA MAGKASAMA SILA?!”
“Iniwan sya ni Charles ! wahaha! Buti nga sakanya!”
“ Kala mo naman kagandahan! Masyadong mataas mangarap.”
Medyo Kumunot ang noo ko sa aking mga narinig. Teka ano bang pinagsasabi nila?! Wala naman silang alam ha?! Tinitigan ko sila.
Tinig galing sakanila :
“ Ano tinitingin tingin mo dyan ha?! “
“ Nagagandahan ka ba samin?! “
“ Hayaan nyo na yan, tara na! “
WOW! Ibang klase din tong mga ito. Nakakainis! Masyadong mataas ang confidence sa sarili, aba sandal! Bakit ko ba sila iniitindi. Lumingon ako pabalik sa pwesto ni Rina. Andoon parin sya, Mukhang Malalim ang kanyang iniisip. Hmm. Gusto ko syang lapitan,kailangan ko sya lapitan. ano naman sasabihin ko? Teka una ba naming itong pagkikita? Matagal ko na syang kilala , bakit ako nahihiya ng ganito? Bahala na nga...
BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Teen FictionStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...