Chapter 12

65 0 0
                                    

Rina’s POV :

Ibang iba na talaga si Charles, Simula nung araw na yun.. HE SAVED MY LIFE ... hindi ko alam sa tuwing sya yung kasama ko. Ibang pakiramdam. Safe ako sa kanya. Masaya ako sa kanya. Sobra sya naging sweet nitong mga nakakaraan araw. Madalang na din kami mag away. Minsan nalang .. hindi mo na talaga kasi mababago yung ugali nya. Sana mabago pa. Ahaha! Pero okay na din yung ganito. Bakit ba ko nagdedemand? Eh hindi ko naman sya boyfriend.

Masyadong malalim ang aking iniisip..

“ Rina” Galing sa tinig ng isang babae. Si Ma’am pala.

Napatingin ako sakanya... “ sang ayon ka ba?” sabi ng aking prof.

“saan ho?”. Takang tanong ko sakanya.

“ Sa pinagusapan natin” hindi lang sya ang nakatingin sa akin. Pati ang mga kaklase ko.

Lutang kasi ako kanina. Ang plano pala ay ako ang kakanta sa opening ng inter school. Aba teka! Kakanta ako?! OMG! Sino nagsabi??!

“So .. Okay lang pala. Haha! Nice! Magagaling talaga ang mga studyante ko.” Tumatawa si ma’am.

“ Aileen at crystal.. Tutal kayo nagsabi sa akin na magaling kumanta si rina. Tulungan nyo nadin sya.” Sabay tumingin si mam sa dalawa.

OMG! Bakit hindi ako nakahinde. Medyo inirapan ko si Aileen at crystal. Pero nag peace sign lang sila.. haay! Ano ba ito.. pagkatapos nung klase naming tumambay kami nila aileen sa tambayan nila Charles.

“ Bestfriend! Kaya mo yan” ngumiti si Aileen..

“Believe me! Ikaw pa!” habol ni crystal.

Hingang malalim lang ang nasagot ko sa mga sinasabi nila. (SIGH)

“ Ikaw pa , wala kang hindi kaya Rina.” Si ivan. Eto nanaman sya pinapalakas nya nanaman ang loob ko.

Napangiti ako sa sinabi nya. never talagang sumablay tong si ivan sa pag papangiti sa akin.

“ btw, kamusta exam?” biglang singit ni aileen.

“ PASADO AKO!” si crystal.

“ako may isang bagsak.” Habol ni ivan. (Sigh)

Ngumiti lang ako. Okay rin naman kase ang nakuha ko. Pwede na.

Biglang dumating sila andy at carlo. Parang wala si Charles. Parang biglang huminto ang mundo ko. Parang slow motion ang lahat. Si Charles naglalakad nasa likuran nila. Nakangiti sya sa akin. Hindi nya to binawi. Yung ngiti  kagaya nung gabing yon.

Bumalik lang ang lahat nung nagsalita si andy.

“ let’s party tonight!”

Sabay sabay kaming nagtinginan.

“TARA!” si carlo biglang sumigaw.

“bakit naman?” tanong ni crystal.

“ Kase pasado kame!” nakangiti si andy.

Nagkayayaan doon sa lagi nilang pinupuntahan. Doon daw magparty.. saan yon?

“ 7pm sharp” biglang singit ni Charles. Nakasimangot sya.

Ang bilis ng mga pangyayari magkakasama lang kami kanina sa tambayan nila .. at eto nandito na kami sa lugar na sinasabi nila.. Maganda dito. Kala mo nasa isang malawak na hardin ka lang.. Malayo kami sa syudad. Buti nalang napagpaalam ako ni crystal. Magkakasama kaming lahat, kasama rin si ivan.

Masaya , nagkakantahan sila. Nagiinuman ulit. Walang humpay na kwentuhan at  tawanan. Bigla silang tumayo at nagsayawan. Kaming dalawa ulit ni Charles ang naiwan.

Nakatingin sa akin si Charles.

“ tara ,sumama ka.” Bigla syang tumayo. Hindi ko alam bakit napasunod ako sakanya.

Nagulat ako sa nakita ko. Lalo kong naappreciate ang ganda ng lugar na ito.  Matatanaw mo yung mga ilaw ng malalaking building doon sa ibaba.. makikita mo rin ang dami ng bituwin. Sobrang ganda ng lugar na ito.

“ Salamat ha.” Binasag ni Charles ang katahimikan.

“saan?” tanong ko naman.

“ sa pagturo mo sa akin, pasado ko sa lahat ng exam ko.” Bigla syang tumahimik

“ thanks to you.” Bigla nya kong hinila papalapit sakanya. Sabay hinalikan nya ang noo ko.

Awwwwww! Grabihan sa kasweetan ang lalaking ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo pang bumilis ito nung nagtama ang mga mata namin. Nahihiya ako. Makikita nya na namumula ko. Sa totoo lang kinikilig talaga ko.

Bigla nya kong binitawan. Parang nahiya sya. ako din, parang hindi ko lubos maisip na mangyayari ito. Pareho kaming nakatingin sa langit. Sobrang tahimik ulit.

“ Charles......” gusto ko sanang sabihin na ako ang napili para kumanta sa opening ng interschool.

Tumingin lang sya.

“ Wa..wala.” tumahimik ulit kami. Matagal kaming ganoon lang. Nakatingin sa langit. Sa mga magagandang bituwin.

“ Ri..Rina.” si Charles.

Napatingin lang ako sakanya.

“Let’s dance.” Tumingin sya sa akin.

Sandali lang! Tama ba itong naririnig ko. Inaaya nya kong sumayaw. Wala akong masabi. Tanging pag tango lang ang naisagot ko.

Kinuha nya ang aking kaliwang kamay hinawakan ng kaliwang kamay nya ito. Samantalang ang aking kanang kamay nilagay nya sakanyang balikat. Hinawakan nya ang aking bewang. Nagsimula na kaming sumayaw......

*Sam tsui- Don’t want an ending /    .. music starts.

.... naging mabagal ang lahat. Kala mo isang fairy tale ang eksena, parang kami yung bida.sumasayaw kami sa ilalim ng maraming bituwin . Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Charles, ano ba tong pinaparamdam mo sakin.

*At least tonight, its just you and me and honestly .. that’s everything I need. (- Don’t want an ending- Lyrics)

Matagal kaming nagkatinginan. Nahinto kami sa pagsayaw. May parang gusto syang sabihin..

“......................................................”

“ Ri.Rina..” nauutal sya.

“ Charles......” hinawakan nya ang labi ko. Parang pinahihinto nya ko magsalita.

“ Thank you... Simula ng Dumating ka sa buhay ko, Maraming nagbago.. Rina.. Gu.” Si Charles.

Napahinto sya sa sasabihin nya. ano yun?! Dahil may ingay kaming narinig, di kalayuan sa kinatatayuan namin.

“ Asan na yun. Bigla nalang nawawala. Hay naku!” napatingin si aileen samin. “ HAY NAKO! Kanina pa naming kayo hinahanap.”

Pero teka! Ano ba yung sasabihin ni Charles......................

First Love... Does it ever End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon