Chapter 20

88 0 0
                                        

Charles’ POV :

Napansin kong parang nawala si rina, tinignan ko muna si clarissa. Kasama nya si crystal mukhang okay naman siya. Kaya hinanap ko si rina. Lumabas ako para hanapin si rina. Nakita ko sya sa may puno.

“ Hoy anong ginagawa mo dyan?” tanong ko sakanya.

Parang hindi sya okay kaya tumakbo ako palapit sakanya.

“ okay ka lang?” tanong ko ulit sakanya.

“ Charles nahihilo ko.” Sabi nya.

Bigla syang umupo sa may lupa.

“tumayo ka nga. Isuka mo kase.” Napapakamot na ko ng ulo. Medyo naiinis na ko.

“ Hindi nga ko masuka e.” Tumingin sya sa akin.

“ TUMAYO KA ! at isuka mo.” Naiinis na ko. Hindi ako sanay ng ganito.

“EH BAKIT KA BA NAGAGALIT HAH?! INAANO BA KITA DYAN?!” tumayo sya pero parang hindi nya kaya lasing na ata to.

Napakamot ako sa ulo.

“Hindi ko naman hinihinge tulong mo ha?” parang naluluna na sya.

“ano kaba?! Importante ka nga sa akin!” sigaw ko sakanya.

“importante Charles? Eh bakit ganun ka sakin? Ano yung halik na yun? Tapos may girlfriend ka?huh?” natahimik ako sa sinabi nya.

“ Ano ba talaga ko sayo Charles?” naiiyak na sya.

“Isang importanteng tao sa buhay ko, EWAN Ko.. BASTA!” Inalis ko yung tingin ko sakanya pero napapansin ko kung ano ginagawa nya.

“importante? Tapos basta! Ang gulo mo! alam ko hindi ko dapat sinasabi to, pero naguguluhan ako eh. Sobra! Charles habang tumatagal kase.” Bigla nyang hininto yung sasabihin nya.

Napatahimik sya.. sabihin mo na, ano yun rina?

“ sweet ka sakin? Tapos sweet ka sakanya? Charles, ganoon ba yung mahalaga sayo? Hindi ko kase alam, wala naman dapat akong ikagalit pero Charles may puso rin kase ako..may pakiramdam din ako, hindi ako tanga.. Charles mahalaga ka rin sakin, special.” Umiiyak na sya.

“rina, wag kana...” nahinto ako sa sasabihin ko.

“ Charles,bakit ka kase ganyan.....charles dalawang beses mo niligtas ang buhay ko!” dalawa anong sinasabi nya. sobrang napakahalaga mo sa buhay ko, sobrang pinasaya moko alam mo ba yun?! Charles ang hirap kase alam mo bang habang tumatagal ...” biglang nya binitin.

“ano?” biglang tumingin ako sakanya. Nakikita kong lumuluha sya. lalapitan ko na sya. nagulat ako sa sinabi nya.

“ Charles.. MAHAL KITA....... CHARLES HABANG TUMATAGAL MINAMAHAL KITA.” Nakatingin lang ako kay rina habang sinasabi nya yun.

Napansin ko may tao sa likuran namin.

“ Rina... Alam mo ba yang sinasabi mo?” tumingin ako kay rina.

“ Charles oo! ” sagot nya sa akin.

“Alam na alam ko Charles, at alam ko na ikaw yung bata na nagligtas ng buhay ko 5yrs ago. Ikaw yung batang minahal ko dati pa.” Humahagolgol sya. kaya nya sinabi na dalawang beses ko niligtas ang buhay nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. pano nya nalaman??? Wala ko masabi.

“ Charles, kahit hindi mo sabihin alam mong ikaw yun.. simula yung nangyari yun minahal na kita.. ” Rina haaay.

“ nasasaktan ako kase nararamdaman ko to.. kase akala ko yung batang minahal ko, ibang tao , kase Charles bago ko pa nalaman na ikaw yun minahal na kita tapos malalaman ko nalang ikaw pala yung batang yun..........

....... nasasaktan ako kase sobra kitang minamahal kahit alam ko mali ito....................................

......................... Charles alam mo ba yung pinakamasakit?.............................

.... yun yung mahalin mo yung taong hindi ka mahal.”

“ Rina.. yang sinabi mo para mong nilunod ang sarili mo sa tubig.” Biglang tumalikod ako kay rina at nagsimulang maglakad.

“ Tara na pumasok na tayo sa loob.” Aya ko sakanya.

 “ Charles MAHAL NA MAHAL KITA...... hindi ko alam pero mahal talaga kita” mas lalong lumakas ang iyak nya.

Napahinto ako sa sinabi nya. ano ba gagawin ko?? Naiipit ako! Syeet!

“ Rina.... Sorry i don’t feel anything for you Like that.” Tanging sinabi ko (Sigh)..............

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Love... Does it ever End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon