Ding dong.. ding dong...
Nasa labas kami ng bahay ni Charles , parang wala naman tao.
“ Aileen, ano ba ito? Wala naman tao eh.” Nakataas ang kilay ko sabay hawak ng dalawang kamay ko sa bewang.
“ AH! Eh. Sabi ni Charles eh” napakamot ng ulo si aileen.
Nasa gitna kami ng paguusap ni aileen ng biglang bumukas ang pinto..... Si Charles nakatopless. OMG!
“ay sorry ! kayo pala! Pasensya na nagshower lang ako eh, kakatapos lang din ng game namin” sabay nagsmile sya sabay takip ng katawan nya.
Pareho kaming natulala ni aileen.
“HOY! Para kayong nakakita ng multo. Pumasok na nga kayo” nagising kami sa pagkatulala. Si Charles sumigaw na.
Pumasok kami sa loob, pumwesto kami sa terrace nila doon kami nagkwentuhan habang kumakain ng snacks. Nagkwento si Charles about sa game nila nakikinig lang kami ni aileen. Pasok pala sila sa finals , bukas din yung game nila.
“ Ah teka! Ubos na yung snacks natin, kuha lang ako sa baba ah.” Biglang tumayo si Charles.
Napatingin ako kay aileen.
“ Aileen, tingin mo ba dapat ko nang sabihin?” tanong ko sakanya.
“ bestfriend! Ikaw? Sure kana ba dyan? Pag sure kana GO!” ngumiti sya.
“ kaso bestfriend si clarissa. Alam naman natin diba?” habol nya.
Napatingin lang ako kay aileen,tama naman sya eh. Oo nga si clarissa. Si clarissa ang gusto ni Charles. Haay. Naputol nalang yung paguusap namin ni aileen , nang bumukas yung pinto... Si Charles may dalang chichirya at softdrinks. Nakangiti syang lumapit sa amin.
“ hey girls! Miss nyo ko?” sabay binaba nya yung dalawang snacks.
“CHE!” sagot namin ni aileen.
Pinagpatuloy namin yung kwentuhan naming tatlo. Maya maya napansin nalang namin ni Charles, nakatulog si aileen. Kaya kaming dalawa nalang ang nagkwentuhan...
“ Kamusta kayo ni clarissa?” tanong ko sakanya.
Kumuha sya ng chips sabay kinain. “ ayun.. okay naman. Sumasang ayon ang tadhana.”
Anong tadhana ang sinasabi nito? Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. “huh?! Ano?”
“ Wala..” sabay ngumiti sya.
“ Wag na nga natin pag usapan yan, tayo ang magkasama ngayon eh.” Habol nya.
Nagpout lang ako. Oo nga naman bakit ko ba tinatanong sakanya ito. Bakit yun yung topic namin? Eh kami yung magkasama, hay nako. Parang ang sama ko. Nilalaro ko yung kamay ko.
“ Kanina, nung sa game .. habang naglalaro ako ikaw yung naiisip ko. Hindi si clarissa.” Napahinto ako sa ginagawa ko.
“ ang weird nga eh. Pero yun yung totoo.” Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
“Charles, please! Ayoko ng biro.” Sabay tumingin ako sakanya.
Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. “ Tumingin ka sa mga mata ko..... Para malaman mong nagsasabi ako ng totoo.”
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto ko ng sabihin. Pleaseee! Charles lumayo ka na.. please...
“Cha..charles..” nakatingin lang sya sa akin. Medyo nilalapit nya na lalo yung mukha nya. “ Ma...”
Biglang narinig namin ang pagbukas ng pinto... napatingin kami sa pintuan. Si crystal dumating. Tumayo si Charles para lapitan si crystal.
“ hey sis! Napapadalas nanaman ata ang pagkasama nyo ni clarissa.” Nakita ko ang mukha ni Charles medyo kumunot ang noo.
“ oh bakit?! We’re friends right” ngumiti si crystal.
“ haay nako!” sagot ni Charles... “ andyan sila rina.” Habol nya.
Bakit parang alalang alala sya na magkasama si crystal at si clarissa. Weirdo! Ah siguro baka mapadalas ang gimik nila, natatakot syang maagaw si clarissa? Ganoon ba? Pero hindi..
“ kamusta na rina” sabay beso sa akin ni crystal.
“okay naman ako.” Sagot ko.
Umupo na si crystal sa tabi ko, at si Charles naman ang nasa harap namin. Naputol yung paguusap namin ni Charles.. pero eto si crystal nagsimula ng magpatawa at magkwento ng kung ano-ano. Ayun tawa kami ng tawa.
“ oo nga pala! Charles ikaw ha! May hindi ka sinasabi.” Napatingin ako kay crystal.
Teka ano yun? Ano yung hindi sinasabi ni Charles. Nagsimula nanaman ang pag bilis ng tibok ng puso ko.
“ Kayo na pala ni Clarissa, hindi ko pa malalaman kung hindi nya pa sasabihin.” Malakas ang boses ni crystal.
Totoo ba itong narinig ko?! Sila na?! Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig.. tuloy parin sa pagsasalita si crystal pero parang hindi ko na maintindihan.. Malabo , wala ako masyadong maintindihan. Nafocus ang isip ko sa narinig ko kanina.. nakita kong nakatingin lang sa akin si Charles.
“ ri..rina? okay ka lang?” tanong sakin ni Charles.
“ Oo naman!” sagot ko sakanya.
“ Charles ,baba lang ako. Gusto ko ng tubig.” Sabay tumayo ako. Nakikita kong nakatingin sila sa akin.
Habang bumaba ako ng hagdan, parang nahihilo ako.. parang hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatingin ako sa mini sala nila. Oo nga pala naalala ko may tinitignan akong mga litrato dun noong unang punta naming kila Charles.
Muli akong bumalik sa kung saan akong nahintong litrato. Nakaframe kasi ito lahat., si crystal katabi nya ang isang buradong lalaki, parang binura ng ballpen. Sure ako si Charles ito. Tsaka may isang batang babae. Sino naman yun? Hindi ito si clarissa. Sure ako. Kahit bata pa sila sa picture. Alam ko hindi si clarissa yun. Nagulat ako sa huling litrato kong nakita. Bumilis ang tibok ng puso ko...
Hindi .. teka .. parang nakita ko na tong batang ito. Hindi ko lang matandaan, talagang hindi ko lang matandaan. Nakita ko na talaga ito. Pumikit ako para tandaan kung saan ko to nakita..
Nang biglang...
“ Ri..Rina” boses ng isang lalaki... si Charles. “ Anong ginagawa mo dyan? Tara na” habol nya. naalala ko nanaman ang lahat ng narinig ko kanina. Ano ba ito. Parang nahihilo ko. Nalilito sa mga nangyayari.
“ Cha...Charles. Gusto ko ng umuwi, masama ang pakiramdam ko. Sige” dali dali akong lumabas ng bahay nila..................................................

BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Novela JuvenilStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...