Ivan’s POV:
Magkasama kami ni aileen para hanapin sila Charles. Nagpaalam lang ako kay aileen na mgccr lang ako. Hindi ko akalain ang nakita ko. Si Charles at rina. Parang may kirot sa puso ko habang tinitigan ko sila mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nasasaktan ako. Isang linggo nadin ang nakakalipas nung gabing yun. Ngayon eto naman ang problema ko. Bukas na yung interschool at bukas nadin kakanta si rina. Nawala yung guitarist na laging kasama naming magpraktis. Ano gagawin ko nito.
“ HEY! Ivan, kamusta?” sabay tapik sakin ni rina.
Tahimik lang ako. Paano ko sasabihin sa kanya na wala na yung gitarista.
“ahm. Ri..Rina.” Napatingin sya sa akin.
“ o bakit?” ngumiti sya.
“ma...may problema.” Sabay kamot ko sa ulo ko.
“Huh? Ano yun van.”. medyo kumunot na ang noo nya.
“ nawala yung gitarista natin eh.” Tinititigan ko lang sya. makikita mo ang kanya pagkalumo.
“ Wag kang magaalala , hahanap kita.” Sabay umalis ako.
Maghapon akong naghanap ng mga estudyanteng marunong mag gitara. Pero wala akong nahanap. Pagbalik ko sa room kung saan kami nagprapraktis. Si Charles , may kasamang isang lalaki. May hawak na gitara. Geal ang pangalan. Medyo chubby. Moreno. Sya yung tumulong samin noon.. pag pasok ko ng kwarto sya naman pag alis ni Charles. Tuwang tuwa si rina. Nagsimula na kaming magpraktis
Parang wala kong kwenta. Hindi ko man lang napasaya si rina bagkus binigyan ko pa sya ng problema. At eto yung prince charming nya ang tumulong.haaaaay natapos ang araw na ito na balisa ako.
Hindi ako nakatulog ng maayos, eto na yung event.. oo nga pala ang hawak kong instrument ay beat box. Magaling si geal mag gitara. Mas mahusay sya sa nauna naming gitarista.
Nagaayos na kami sa back stage. Pag tingin ko sa labas. Unti unti ng dumami ang tao. Halos lahat ay players. Opening ito ng interschool natural! Players ang nandito. Malapit ng magsimula.
“ ladies and gentlemen.....................................” nagsimula ng magsalita ang host ng event na ito. Tinawag na kami. Isa isa kaming lumabas.. nauna ko,sumunod si geal... syeeeeeeeeet! Lahat ng tao. Napatingin kay rina sympre kasama nadin ako.parang hindi si rina ito. Kakaiba sya ngayon. Kakaibang rina ito. Iba ang kanyang kasuotan. Para talaga syang totoong singer. Sobrang ganda nya bagay sa kanya ang suot nya. ang pinacurly nyang buhok. Ang simpleng babae naging isang prinsesa.
“WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOW!
“Sino yan?”
“Marami palang magaganda sa eskwelahan na ito.”
“ ang ganda nya.”
Nakita ko si Charles banda roon. Sa dulo. Medyo malayo sya sa mga team mate nya. alam ko nagulat din sya sa nakikita nya. hindi nya inalis ang kanyang mga mata kay rina.
“ Woi! IVAN! Ano ka ba? Parang lutang ka?! Magsisimula na.” Sigaw ni Geal.
“ Magandang Umaga sainyong lahat. Sana magustuhan nyo ito.” Si rina.
Nagsimula na kaming tumugtog.
Intro...( Ako’y sayo ni Sitti)
“ Ikaw na ang may sabi.........” biglang naghiyawan ang mga tao. Si rina nagsisimula ng kumanta. Ang ganda ng kanyang boses. SOBRA! Sino ba hindi maiinlove sa boses nya?? grabee.
Lahat sila napahanga sa boses ni rina. Nakikita ko sa mga mata ni Charles na nadadala sya sa kanta. Nadadala sya sa boses ni rina. Tinitignan ko lang si rina. Hindi nya tinitignan si Charles. Salamat naman :p.
“ Kahit anong mangyari, pagibig ko’y sayo parin...” medyo sumusulyap na si rina kay Charles.
“..... na ako’y sayo.” Si rina nakatingin sya kay Charles.. aw! Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan na nga ako sa dami ng tao dito. Pero hindi haaay! Nasasaktan ako.. lalo na nung “.. at ika’y akin lamang.” Ngumiti si Charles kay rina. Sabay nagthumbs up. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nakakapanghina..
Natapos ang perform namin ng wala ako sa wisyo. Niyaya ako nila rina para manood ng game . dahil first game ang school namin. Magaling maglaro yung tatlo. (Si andy, carlo at Charles.) may chemistry. Alam ko! Hindi talagang nakikita ko.. pag nakakashoot si Charles tinitignan nya si rina. Hindi si clarissa. Ang weird din ng lalaking ito. May clarissa na nga sya. tapos aagawin nya pa si rina sa akin. Ayy. Mali hindi nga pala sa akin si rina..
After ng game nakita kong nag goodbye kiss si clarissa kay Charles. Pero parang wala lang kay Charles yun. Parang may hinahanap sya. lumabas nko ng gym. Hinahanap ko si rina yayain ko sana sya mag dinner. </3 aw! Ang sakit. Bakit?! Bakit ako nasasaktan ng ganito. Si Charles at rina magkasama.........
Habang naglalakad silang dalawa hindi ko mapigilan na hindi lumuha...
“ Ri..Rina........ I LOVE YOU”. ..............................................................

BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Teen FictionStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...