"What are you looking at Anya? Stop fantasizing your boss." Makahulugang sabi sakin ni Kleavan.
"I am not fantasizing you. I was just thinking about something."
"Is this about what happened the other night? Look, let me make myself clear to you. It was plainly an accident. Nakainom ako, and I thought that you're that someone I met at the bar."
I was about to say something when his phone rang.
"Give me a minute."
Masusing pinagmasdan ko si Kleavan. Ganon na lang yun? After he took my virginity, wala lang yon? Damn! Kung alam ko lang sana na walang magbabago after that night eh di sana buong buo pa din ang pagkatao ko.
Lumabas ako ng opisina nya at nagtungo sa opisina ko. Hindi ko keri ang sinabi nya! Kakalerki! Gusto ko na lang maiyak pero wala naman mangyayaring matino kung iiyak ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at isa isang tinext ang mga kaibigan ko. I want to quit my job, real quick. Pero may pinirmahan akong kontrata. Damn! Pero wala na rin akong pakialam kahit ilang kontrata pa yan!
"Oh, napatawag ka Manang?" Bungad sakin ni Rona. Kaibigan ko simula ng magkamuwang ako sa mundong ibabaw.
At oo, manang ang tawag sakin ng isang to dahil masyado daw akong old fashion na nilalang. Wala naman syang magagawa dahil ito ang trip ko sa buhay at wala akong pakialam kung anuman ang itawag nya sa akin dahil hindi naman talaga ako Manang. Masyado lang akong picky at masyadong nakadepende sa mood ko kung ano ang outfit of the day ko.
"Besssssy! Ang pagkatao ko!!!" Naiiyak kong bungad sa kanya.
"O? Anong meron sa pagkatao mo?"
"Punit na bessy! Punit na si Maria!"
Nakarinig naman ako ng impit na tawa mula sa kabilang linya. "E di masaya! Magpapainom ako later! Sa wakas, babae ka ng ganap Anya!"
"Gaga ka! Wa epek yang alak bakla ka! Hindi na babalik sa dati ang hymen ko!" May pagsisisi kunwari na sabi ko.
"Gaga! Sino bang nakapunit sayo?!"
"Si Kleavan." Plain kong sagot. Maya-maya ay tumahik ang kausap ko sa cellphone. "Rona? Dyan ka pa?"
"Aaahhhhhhhhhh! I can't believe this!!! Ang swerte mo, walang hiya kang bakla ka! San mo hinugot yang lakas ng loob mo na gapangin si Kleavan?!"
"Ako talaga ang nanggapang?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Hindi kataka-taka na ginapang mo sya! Taray mo dyan, bakla!" At sinabayan pa nya ng nakakalokong tawa. Grabe lang! "Sana makabuo bakla! Jackpot ka friend! Feeling ko naman papanagutan ka ni Kleavan, basta galingan mo lang lalo." Panunudyo pa nito sa kanya.
"Hay naku. Hindi ka matinong kausap. Bahala ka nga dyan. Bye." Hindi ko na sya hinintay na makasagot at binaba ko na agad ang tawag. Nakakaloka ang isang to!
Ako daw ang nanggapang? Baka ako?! Ako nga 'tong parang ginahasa. Ginahasa sa sakit at sarap! Shet na malagkit! Ramdam ko pa rin ang mga haplos nya sa katawan ko kahit ilang araw na ang lumipas.
Nag iisip ako ng kababalaghan nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at bumungad si Kleavan.
"Anya, we I think we should talk."
Oh no...
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)
General FictionAs much as possible, Anya doesn't want to involve herself to any man. Para sa kanya, ang mga Adan ay kasumpa-sumpa, na ang lahat ng lalaki ay nakatakda para saktan ang bawat kababaihan. Ngunit paano kung ang lalaking minsan na nyang tinalikuran ay...