14

9.1K 177 2
                                    

"Whose Calvin, Ma'am Anya?" Lea asked, and that question stunned me for a short while.

"W-why?"

May inabot naman syang sobre na syang sagot sa katanungan ko.

Hindi ko alam, pero marinig ko lang ang pangalan ni Calvin, kinikilabutan na ako.

I was curious for a while, but no, hinding hindi ko bubuksan ito. If I want myself to be safe I needed to stay away from him.

"Call the head of the security." Utos ko, halos gusto ng manginig ng buong katawan ko.

Agad naman tumalima sa utos ko si Lea at agad din nakarating ang Head ng security sa kinaroroonan namin.

"He, Calvin Aquino.." nagpakita muna ako ng picture ni Calvin bago nagpatuloy sa pagsasalita "...is banned in this company. I don't want to received any thing that's from him, no, wala kayong tatanggapin na anumang bagay na galing sa kahit na sinong tao kung hindi naman ninyo kilala ang nagbibigay at nagpapabigay. Maliwanag ba?"

"Yes Ma'am."

"And allow me to have at least 4 bodyguards." Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ng mga taong nakapaligid sakin, but no one dared to ask me. "And Lea.."

"Ma'am?"

"Call Kleavan, pakisabi na papunta ako sa opisina nya ngayon."

Naglakad na ako palabas ng opisina na dala-dala ang sobre na galing kay Calvin. Damn him, and his sinister act!

Nakarating ako sa company ni Kleavan ng wala pang kalahating oras. Dali-dali akong naglakad dahil gusto kong maprotektahan ang anak ko higit sa lahat.

Calvin Perci Aquino, yes he's one of my close friend. Until something happened that day and I was dumbfounded after that incident.

-
"Hey." Untag sa akin ni Calvin. Kanina ko pa sya hinihintay dito sa Starbucks. "Pasensya na traffic sa bandang bayan."

Nakakaunawang tinanguan ko naman sya. "Kumusta?"

"I'm good, how about you?" He asked looking at me, but there is something in his looks that I can't tell.

"Pregnant and happy." Nakangiti ko pang sabi sa kanya.

"Is Kleavan the father?"

"H-how did you know?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Because I know a lot of things about you, honey. Ang ipinagtataka ko lang bakit si Kleavan pa ang nagustuhan mo?" Umakto pa sya na para bang may malalim na iniisip.

"Why not?"

"You don't deserved someone like him. You see, I've been in love with you for decades. Umalis lang ako para mag aral sa ibang bansa. And when I came back, ikaw ang una kong hinanap just to find out that you were pregnant." Nag-uuyam nyang sabi sakin. Pakiramdam ko naman ay biglang uminit ang ulo ko sa mga sinasabi nya.

"Why do you care? Wala naman tayong relasyon, and hey, wala rin tayong kasunduan noong umalis ka. Kaya wag mo akong pinagsasabihan na para bang dinidiktahan mo ako sa kung ano ang dapat kong gawin."

"Feisty. You've changed Anya." Tumayo na ako at akmang iiwanan na sya ng bigla ulit syang magsalita. "You wanna know something, Anya?" Natigil ako at napatingin sa kanya, kinilabutan ako ng makita ko ang mga mata nya na nag-aalab sa galit.

"What?"

Tumawa naman sya ng nakakaloko at tsaka ngumisi bago muling nagsalita. "I killed your pet. Masyado kasing maingay noong tinangka kong pumasok noon sa kwarto mo."

Nanginig ang mga tuhod ko sa sinabi nya.. "You see, I was planning to make you mine and make you scream my name that night." Muli kong narinig ang mala-demonyong tawa na nanggagaling sa kanya.

"Y-you killed Amber?!" I remembered that night, tahol ng tahol si Amber mula sa garden ni Mommy. Hindi ko naman pinansin dahil ang akala ko nakakita lang sya ng aso na pagala-gala sa subdivision. "A-and you planned on r-raping me?!" Halos mapalakas na ang boses ko at nagtitinginan sa amin iilang tao sa loob ng Starbucks.

"You heard it right." Kinilabutan ako sa tawa nya at naglakad na nang mabilis para lang makalayo sa kanya. He's a maniac!

-

"Anya.." untag sa akin ni Kleavan ng makapasok ako sa opisina nya. "Do you want something to drink like mango juice?" Aligaga nyang tanong sakin. "Pasensya ka na kung medyo magulo itong opisina ko ngayon, kakagaling ko lang kasi sa board meeting kaya hindi ko na naayos 'tong mga papers na kailangan ko pang ireview."

"It's fine." Umupo naman ako sa katapat nyang upuan. Halata sa mukha nya ang pagod. "Natutulog ka pa ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Tumawa naman sya ng mahina bago ako sinagot, "Masyado na atang halata ang eyebags ko." Pinagmasdan nya naman ako, hindi ko din inaalis ang paningin ko sa kanya. "Bakit ka nga pala bumisita? Tinatanggap mo na ba yung offer ko na maging secretary ko ulit?"

Marahan naman akong tumango, I know that I will be safe if I'd stay with him.

"And?...." tumingin sya sa mga mata ko na para bang naghihintay sya sa mahalaga kong sasabihin.

Naramdaman ko naman ang unti-unting pagpatak ng luha sa mga mata ko at walang sabi-sabi na tumayo ako at yumakap sa kanya ng mahigpit.

"I-I'm scared....."

"Hush baby... tell me why you're so scared?" Marahan nyang tinapik ang likod ko at pinapakalma ako.

Hindi ko masabi! Parang wala akong lakas na magsalita.. But for some reason, I managed to speak.

"J-just keep me s-safe."

GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon