3

10K 205 2
                                    

"I am quitting my job Mom! Ayaw ko na. Suko na ako." Naluluha na parang batang sabi ko kay Mommy.

"Hindi ba ikaw ang may gusto nyan? Ikaw pa ang nakiusap sa amin ng Daddy mo na gusto mong mapalapit kay Kleavan." Nanunudyong sabi ni Mommy sa akin.


"What are your plans now Hija? Hayaan na natin ang anak natin Alerica. She's all grown up."

"I know that Jose, kaya lang masyado kasing nagpapadalos-dalos itong si Anya sa mga desisyon nya. Wala na bang pag-asa anak? Boto pa man din ako kay Kleavan para sa iyo." I can feel Mom's sincerity. Sino nga ba naman kasi ang hindi gugustuhin ang isang Kleavan Perci? "Hayan pa at pinagdiskitahan mo na naman yang buhok mo."

"Basta Mommy ayaw ko na talaga. Bigyan nyo na lang ng bagong secretary si Kleavan then magtatrabaho po ako as one of the staff sa isang agency natin sa Makati, My." Hindi ko na binigyan ng chance si Mommy na tumanggi dahil alam ko naman na papayag at papayag sya sa anuman ang desisyon ko. Hindi naman sa pinapagana ko ang pagiging spoiled ko, pero ito lang talaga ang naiisip kong paraan para madali akong maka-move on mula kay Kleavan.

I've been eyeing him for decades. 

I've been loving him for years and I think that this is about time to give up and let go of every feeling that I have for him.

I'm hurting big time, but I don't care anymore.
---

Days have passed at tuluyan na nga akong hindi pumasok bilang secretary ni Kleavan. Hindi pa naman ako nagsisimulang magtrabaho sa isa sa mga Manpower and Services Provider Agency na pagmamay-ari din ng pamilya namin. 

Gusto ko munang i-tour ang sarili ko. 

And now, I am doing a daily hike to Pasukulan Falls here in Bataan. I want to see the beauty of nature because it gives me peace. 

"Alam mo madam," panimula ng tour guide namin "parang nabibili 'yang ngiti mo." 

Tipid kong nginitian si Manong at saka nagpatuloy sa trekking. "Kadalasan ang mga nakakasama ko sa pagpunta sa Pasukulan Falls ay mga dalagang kagaya mo, at kadalasan, ang dahilan nila ay para makalimot panandalian sa masalimuot na buhay pag-ibig nila." bahagya pang natawa si Manong na para bang may naalala. "Hindi ba pwedeng ang dahilan nila kaya gusto nilang magtrekking ay para bigyan ng kasiyahan ang sarili nila thru the beauty of the nature? Nagtataka lang ako. Na kung bakit para bang idinedepende natin ang kasiyahan natin sa ibang tao at hindi sa sarili natin."

"Ganun talaga Kuya. Kasi may pagkakataon na hindi natin kayang ibigay sa sarili natin yung kasiyahan na gusto natin, na kumbaga ba, ibang tao talaga ang makakapagbigay satin nun." Malungkot kong saad.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ininda ang init na dulot ng panahon ngayon.

Sandali akong napatigil at napatingin sa kalangitan.

"Mukhang uulan mamaya, Kuya. Iba ang alinsangan ng panahon ngayon."

"Naku madam, masanay ka na. Nagbabago na talaga ang mundo ngayon. Pabago-bago na. Hindi natin masabi minsan kung magtutuloy-tuloy ba ang magandang panahon."

"Halika na nga Kuya. Baka maiyak pa tayong parehas." Natatawang sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Tama si Manong. Hindi natin masabi kung magtutuloy tuloy ba ang kasiyahan sa buhay ng tao. I got his point, I just have to read between the lines. Hindi araw-araw pasko.

At ngayon, sana matuto akong idepende ang kasiyahan ko sa sarili ko. Hindi na sa ibang tao.

Kasi mahirap.

Kasi masakit.

Kasi hindi ko na kayang maging malungkot ng paulit-ulit dahil lang sa iisang dahilan, nang dahil lang sa iisang tao.

GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon