8

9.1K 216 5
                                    

"Ryza Castillo with the CEO of K. Perci Co.

Rumors said that they were seen together with a known wedding planner and many were asking if they are planning to get married.

Kailan lang din nang huling makita ang dalawa na magkasama sa isang kilalang private beach resort sa Indonesia na magkahawak ang mga kamay, pati na rin ang iilang sweet photos together..."

Dali-daling in-off ni Mommy ang TV nang makita nya akong pababa ng hagdanan. Ngumiti naman sya ng malungkot sa akin at marahil ay napagtanto nyang narinig ko ang mabuting balita.

"Your dad is planning to pull off his shares to Kleavan's company." Nagulat ako sa sinabi ni Mommy pero hindi ko ipinahalata.

"Where's Dad, Mom?" I asked.

"He's in the garden." Naglakad kami ni Mommy papuntang garden at naabutan si Daddy na sumisimsim ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

"Dad, can we talk?"

"If it is about my shares to Kleavan's company, my decision is final." Matigas na sabi ni Daddy without looking at me.

"Daddy, this is not about Kleavan. This is about your companionship with his father. Hindi naman porque hindi nag iisip ng tama ang anak ni Ninong Karl eh ganun na yung gagawin nyo." Hinawakan ko naman ang magkabilang kamay ni Daddy. "Please Dad."

He looked at me and heaved a sigh. "You're right. It's just that I don't know how to face that irresponsible man after what happened." Napatingin naman sila ni Mommy sa lumalaki kong tyan.

"You can send representatives, Jose." Nakangiting suhestyon ni Mommy.

Nakakaunawang tumango naman si Daddy. Nagpaalam naman ako na aalis muna sandali dahil magkikita-kita kami nila Rona at Celestine.

Pinagmaneho ako ni Kuya Ben gamit ang sasakyan ni Daddy papuntang Crowd and Crown.

7pm ang usapan namin tatlo at may pinareserba ng private room si Celestine para saming tatlong magkakaibigan. Huli na nang maipaalam ko kay Rona na buntis ako. Nagtampo nga sya ng kaunti dahil para daw nakalimutan ko na sya dahil sa nangyari.

Pinaliwanag ko naman na marami akong iniisip simula nung nalaman kong buntis ako.

Nang makarating kami sa Crowd and Crown ay inalalayan naman ako ni Kuya Ben papunta sa private room na ino-okupa ngayon nila Rona at Celestine.

Natanaw ko rin mula sa kalayuan si Kleavan na mukhang masayang nakikipagkwentuhan sa isang kilalang stripper. What an asshole.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at inignora kung ano man yung sakit na naramdaman ko nang makita sya.

"Hintayin na lang kita Anya sa parking area. Bilin ng Daddy mo na kailangan 9pm pauwi na tayo." Tinanguan ko naman si Kuya Ben bago sya tumalikod at naglakad na.

Pumasok agad ako sa private room at saka ako sinalubong ni Celestine at Rona ng makapigil hiningang yakap.

"Manang!!! Hindi ka na manang!!!" Sigaw pa ni Rona. "Ang ganda ganda mo lalo bessy!" Dagdag pa nya.

Tinawanan naman namin sya ni Celestine sa naging reaction nya. Nakita ko naman na ang daming pagkain ang in-order nila.

"How are you, my super dear friend?" Excited na tanong ni Rona.

"I'm doing just fine." Hindi talaga ako umiinom ng alak kaya pineapple juice lang iniinom ko.

"Have you seen Kleavan? His flings were everywhere! Naloka nga ako sa balita kaninang umaga. Hindi ko alam bakit pinatulan ang isang Ryza Castillo...."

"Why not?" I asked.

"Hello girl, aanhin mo naman ang one of the sexiest and hottest female in showbiz industry kung nakulangan naman ng brain cells. Have you watched her recent interview? Gosh! Muntik ko na syang ilabas sa TV at ipako sa krus! Masyadong social climber." Nanggigigil na wika nito at saka inisang lagok ang cocktail drink nito.

"Ang bitter mo naman Rona, hindi naman ikaw itong buntis." Natatawang sabi ni Celestine.

"Oo nga!" Tudyo ko pa.

"Kasi naman bes!" Napahinto naman sya at tila nag iisip ng isasagot ng bigla kaming magtawanan. "Nakakaloka ha! Naunahan mo pa akong majontis. Matatanggap ko sana kung itong si Celestine eh, kaso mga bes si Anya ang nagwagi!"

Si Rona talaga ang pinaka-jolly sa amin tatlong magkakaibigan.

"Pasalamat naman ako at tinigilan mo na ang pagiging Manang mo! Malapit ko na sanang ipasunog ang isang walk-in closet mo dahil sa mga pinagsususuot mo."

"Hayaan mo na yang kaibigan natin sa kung anong trip nya sa buhay Rona. Kilala mo naman ang isang 'yan, kapag naisipan, naisipan. Nagpadalos-dalos, ayan tuloy nakabuo agad."

"Hoy ha, mga bruha! Kung mag usap kayo parang wala ako sa harap ninyong dalawa. Sige kayo, di ko kayo kukuhaning Ninang na dalawa."

"Joke lang Mars!" Natatawang sabi ni Rona. Natawa na rin kami ni Celestine dahil sa reaksyon nya.

Natigil kami sa pagtawa nang makita namin ang pagbukas ng pinto nang inookupa namin na private room at saka sumilip si Hannah na syang nagmamay-ari nitong Crowd and Crown.

"Hey, ladies." Nakangiting bati nya sa amin at saka kami tinabihan. "Binisita ko lang kayo dahil sinabi ng isa sa mga staff ko na nandito kayo." She's very accommodating that's why she's close to us. "How's life?"

"Ito tahimik na naninirahan sa bukid." Nakangiting sagot ni Celestine.

"Ako inip na inip na, hirap hagilapin ni Prince Charming." Kunwari'y nalulungkot na sagot naman ni Rona.

Napatingin naman sakin si Hannah at saka ako pinagmasdan at iniinspekyon.

"Parang may nabago sayo Anya." Nakakunot ang noong sabi pa nya.

Tumayo naman ako at saka ipinakita sa kanya ang baby bump ko. "Nakalunok ng pakwan." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oh my gosh!!!" Aniya kasabay ng pagsinghap. Natawa naman kami nila Celestine. "Whose the lucky man?" Excited na tanong pa nya.

"Some lucky bastard out there and somewhere to be found." Malungkot na sabi ko sa kanya. And maybe she got the message.

"Don't you have any plans on going back to your modelling career Anya?" Pag-iiba ni Hannah sa topic.

I just shrugged. I don't know either which path should I enter.

"Just focus on your baby na lang muna siguro. Nung buntis kasi ako gusto kong iprioritize si baby. Hay naku. Remember, pinagtaguan ko pa si Train wag lang lumabas ng stress ang anak ko." Nangingiting kwento nya sa amin. Everyone here knew her story.

Somehow I envy her, kasi nung pinagtaguan nya, hinanap sya. And most of all, Train loves her so much.

Samantalang ako, nasa tabi-tabi lang nya, hindi nya magawang lingunin.

Maybe it's about to let go every feelings that I have for him.

Maybe I should stop myself from wanting something that I will never have.

----
Readers,

Feel free to share your thoughts about the story. Thank you!

💕

GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon