Time flies so fast and I didn't hear anything from Kleavan and his whereabouts.
"Ang ganda mong buntis Ma'am Anya!" Natutuwang sabi sakin ni Lea.
Ngumiti naman ako ng ubod ng tamis dahil alam kong di sya nagkakamali. Nakakatuwa lang dahil hindi ako masyadong pinapahirapan ni baby, parang hindi din ako naglilihi, madalang lang din akong sumpungin ng morning sickness.
How I love this feeling of being pregnant!
Halata na rin ang baby bump ko kaya naman hindi na ako nagsusuot ng mga jeans.
Madalang na rin akong bumisita dito sa office dahil baka bigla na lang kaming magtagpo ni Kleavan.
They once asked me whose the father of my unborn child, I didn't respond because I don't want further questions.
Alam kasi nila na wala akong boyfriend at walang naging boyfriend. Kahit sino naman, magtatanong at magtataka.
Si Lea at Celestine lang, aside from Mom and Dad, ang pinagkakatiwalaan ko kaya alam nila kung sino ang ama ng anak ko.
"Pagkapanganak mo ba Ma'am Anya, magtatrabaho ka pa din dito? Mas mabilis kang magpayroll sakin eh." Natatawang sabi sakin ni Lea.
"Magdusa ka. Sa susunod ikaw na ang manager dito." Nakangiting sabi ko sa kanya.
No doubt, I've seen how organized she is.
"Ay sana nga Ma'am!" Excited na wika nya.
Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan at saka ko napagpasyahan ng magpaalam para makauwi na sa bahay namin.
Hindi pa ako nakakabisita sa rancho na hanggang ngayon under renovation pa rin. Celestine also insisted that she'll handle it since she's just kilometers aways from my rancho.
Napagpasyahan kong dumaan na muna sa isang kilalang mall bago dumeretso sa bahay. Gusto ko na sanang mamili ng mga gamit pang-baby but my Mom advised me not to buy dahil masyado pang maaga. Excited much lang ako!
Sa bookstore agad ako dumeretso para humanap ng babasahin about pregnancy and preparations about becoming a mother.
I was browsing the shelves when someone caught my attention.
Kleavan is with someone. Not just someone. Kleavan is with Ryza Castillo, one of the sexiest and hottest woman in showbiz industry here in the Philippines.
Nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib. Mahal ko talaga. Naiiling kong sabi sa sarili ko.
Kitang-kita ko kung paano nya ngitian si Ryza. And the way I see them, I know he's proud. Sino ba naman ang hindi? Hindi naman basta basta pumapatol ang isang Ryza Castillo sa kung sinu-sinong Barabas.
Hinawakan ko ang bukol sa aking tyan.
Will he be a proud daddy?
Will he be proud if he knew that he'll be having a baby with me?
Inialis ko sa isipan ko ang isipin na magiging parte sya sa buhay namin na mag-ina. Di ko namalayan ang maliliit na butil ng luha na unti-unting pumapatak sa mga mata ko.
I smiled sadly and wipe away my tears. I don't hate Kleavan. It's just that I don't want to be hurt anymore. Ayaw kong ipaglihi sa sama ng loob ang anak ko.
Nananatili akong nakatingin sa kanila.
Bigla na lang akong kinabahan ng makita kong napatingin sya sa gawi ko.
Hindi nya ako pwedeng makita pero huli na para tumalikod. Pinagmasdan nya ang kabuuan ko at saka napatitig sa akin.
Agad akong tumalikod at saka binitbit ang mga librong napili ko at naglakad na papuntang cashier.
Hindi pa naman masyadong halata ang baby bump ko dahil na rin sa suot kong damit. Nag-gain lang ako ng kaunting weight at nagpabawas ng haba ng buhok. Payo na rin sakin ni Dra. Salvador.
Pagkabayad na pagkabayad ko ay naglakad na papuntang parking area nang biglang may humawak sa mga braso ko.
"Anya...." napalingon naman ako kay Kleavan. Hinanap ng mga mata ko si Ryza. "Iniwan ko lang sya saglit para sana makausap ka." Nakangiting sabi pa nya. Aba ang kapal!
"May kailangan ka ba?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.
"Blooming ka ngayon." Ramdam ko naman na pilit nyang pinapagaan ang sitwasyon sa pagitan namin dalawa.
"Alam ko. Madaming nagsasabi." Napabuntong hininga na lang ako at saka sya tinignan ulit. "Aya-------"
"Perks of Being a Single Mother. How to Avoid Miscarriage. All About Babies." Kunot noo nyang basa sa mga librong hawak ko.
Nakakainis! Nakalimutan kong clear plastic ang pinaglagyan ng mga books na binili ko at readable pa mula sa gilid ng mga ito ang title ng bawat isa.
"What are those Anya?"
Agad naman akong napaisip ng pwedeng isagot sa kanya...
"Anong pakialam mo?" Inis kong tanong sa kanya. "Wala ka na bang sasabihin? Kung wala naman, mauuna na ako sayo. Nag-aaksaya lang ako ng oras sayo." Taas noo ko pang sabi sa kanya.
"Buntis ka ba?" He suddenly asked. And I felt like a sharp knife landed on my chest because of his blatant question.
Hindi ko pinahalata ang kaba ko at tinignan sya ng mata sa mata.
"Remember this Kleavan, kung buntis ako edi sana hindi mo kasama ngayon ang isang Ryza Castillo. Kung buntis ako, edi sana ngayon pa lang sinasabi ko na sayong magpakasal tayo." I am thankful that I didn't stammered while answering his question.
"I just asked you but you answered defensively." May pagdududa nyang sabi sakin.
"Look Mr. Perci. Isa lang naman ang gusto kong ipaunawa sayo. No, I am not pregnant." I'm sorry baby, I had to lie.
"If you say so." Ani pa nya.
"Maiwan na kita." Maiwan na kita, habang buhay!!!
Unti-unti na akong naglakad palayo sa kanya nang bigla ulit syang nagsalita.
"I hope it's not a lie."
-------
Readers,I hope that you're enjoying reading this story.
💕
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)
General FictionAs much as possible, Anya doesn't want to involve herself to any man. Para sa kanya, ang mga Adan ay kasumpa-sumpa, na ang lahat ng lalaki ay nakatakda para saktan ang bawat kababaihan. Ngunit paano kung ang lalaking minsan na nyang tinalikuran ay...