10

9K 181 4
                                    

Everyone seems so busy while here I am, relaxing.

Pinapanood ako lang si Lea sa ginagawa nya habang hinihintay ko si Rona at si Celestine.

Ang original plan namin ay sabay sabay kaming pupunta sa resort na pagmamay-ari nila Rona, pero dahil sa buntis ako hindi pumayag sila Daddy at gusto pa na isama namin si Kuya Ben na syang magiging driver namin tatlo habang nagbabakasyon.

We also needed a break.

Wala na din akong balita kay Kleavan and also I heard that Ninong Karl is planning to pay me a visit.

Wala akong ibang magawa kundi ang mapabuntong-hininga sa kung sino man ang tinutukoy ni Kleavan na reliable source ng Daddy nya.

"Anya nandito na ang mga kaibigan mo." Tawag pansin sakin ni Kuya Ben. Tumango naman ako at saka naglakad papunta sa office ni Mommy para makapagpaalam.

"Mom, alis na po ako." Paalam ko sa kanya.

"Mag-iingat kayo, anak. Hindi na kita maihahatid sa lobby at hindi ko maaaring iwanan itong trabaho ko. Ingatan mo ang apo ko." Nakangiting sabi pa sakin ni Mommy.

Habang papunta ako sa lobby ay wala akong ibang iniisip kundi ang kashungahan ni Kleavan. Hindi pa rin ako maka-move on hanggang ngayon. Ang slow nya!

Hindi ko pa rin naikkwento kila Rona ang nangyari. Nagdadalawang-isip din ako dahil baka mamaya uminit na naman ang ulo ni Rona at masugod pa ang walang kamuwang-muwang na si Kleavan.

"Hoy bruha!" Bungad sa akin ni Rona.

"Tara na." Aya ko na lang sa kanila papunta sa sasakyan kung saan kami hinihintay ni Kuya Ben.

"Matanong lang kita Anya, wala ka ba talagang plano na ipaalam kay Kleavan na sya ang ama ng baby mo?" Seryosong tanong sakin ni Celestine habang nasa byahe kami papuntang Batangas.

"Sino ba sya?" Patay malisya kong sagot.

"Hello girl, sya lang naman ang nakajugjugan mo kaya ka may baby ngayon. Remember your call before? When you were saying na napunit na ni Kleavan ang hymen mo. Gosh! I am so hysterical that time!"

"Hanggang ngayon hysterical ka pa rin naman." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Heh! Sino ba naman kasi ang hindi maloloka sayo?! The never been kiss, never been touch, the mighty Anya, nakajugjugan ang isang Kleavan Perci!"

"Kumalma ka nga Rona! Seryoso akong nagtatanong dito sa kaibigan natin e." Hindi na maipinta yung pagmumukha ni Celestine dahil sa mga sinasabi ni Rona.

"Oo na! Oh, sagutin mo na yung tanong ni Celestine. Masamang pinaghihintay yan."

"Wala." He had the chance, but he just let it slipped.

"Hindi kaya masyado kang nagpapadala sa emosyon mo? Remember this Anya, hindi habang buhay na baby ang magiging anak mo. Darating ang panahon na lalaki 'yan at maghahanap ng ama. Ano na lang ang sasabihin mo? Hindi ka habang buhay makakapagbigay ng dahilan sa bata para lang makalusot." Sermon pa nya sakin.

"I know that. Ayaw ko lang na ipilit pa ang sarili ko sa mundo ni Kleavan. I don't belong to that party animal." It may sounds so bitter but I don't want to end up being alone at the end.

"What if he's into you even before it's just that he is afraid that he might hurt you? And hello girl, you both belong to each other's world."

Sinimulan ko ng ikwento sa kanila ang kung anuman ang nangyari noong magkita kami ni Kleavan. Of course, tawa ng tawa si Rona dahil sa kashungahan ni Kleavan, samantalang si Celestine naman ay tila nag iisip ng malalim.

"Kung nandun lang sana kayo, sana nakita nyo kung gaano sya kasaya. Na para bang nakatakas sya sa responsibilidad na para naman talaga sa kanya." Malungkot kong sabi sa kanila. "Sino ba ang may gustong hindi mabigyan ang anak nila ng buong pamilya? No one, right? I knew that I'll embrace motherhood and it's more than fine with me."

"Huy ha, ang drama na! Malapit nang mag-ayawan. Ngumiti nga kayong dalawa dyan!" Pilit na pinapagaan ni Rona ang sitwasyon.

Hindi naman kami nagtatalo ni Celestine, naiintindihan ko naman na gusto nya lang talaga na maliwanagan ako at gawin ko kung ano yung sa palagay kong makakabuti sa magiging anak ko.

But, no.

"He also said that, 'maybe I am your first but I am not your last, right?'."

Those words became echo and it brings pain into my chest.

How can he be so cruel?

---

jymh 💕

GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon