2

10.9K 230 0
                                    

"Hi Anya." Bati sakin ng office mate ko na si Arris.

"Hello" ganting bati ko sa kanya.

"Blooming ka ata lately." Sus, parang sinabi rin nya na blooming ako nung isang araw lang. Nginisian ko na lang sya at saka nilagpasan. Bwisit. Aga aga ang bolero. At isa pa, may blooming bang nasasaktan?! Sakalin ko kaya sya!

Naglakad na ako papasok sa office ni Kleavan para pagdalhan sya ng isang tasa ng kape. This is my daily routine. 

Kakatok na sana ako ng makarinig ako ng ungol na nanggagaling sa loob ng office ng magaling kong boss. Umagang umaga! Sa halip na tumuloy, umisang hakbang ako patalikod at saka nagsimulang maglakad palayo sa opisina nya. It's been what? 6 days since that "thing" happened. At hanggang ngayon, malinaw pa rin sa memorya ko kung ano ang nangyari, pero ang walang hiya, nagsisimula ng mamapak ng ibang babae. Mga lalaki nga naman.

Lumipas ang ilang oras na nakatanga lang ako sa harap ng computer at walang magawa. This is my dream job! Me being paid without doing a single thing! Charot.

I was about to leave my desk when Kleavan cornered me. "Where's my coffee?"

I looked at my table and look at the coffee that I made for him. "Here." I gave him the "cold" coffee and took my wallet then walked away from him without saying anything. I'm gonna have my lunch!

Right now, I don't care how rude I am to him. Kilala naman nya ako na kahit sya pa ang boss ko kung wala ako sa mood, malabo nya akong makausap ng matino. 

"Wait up Anya." at sumunod pa! "I've been waiting for my coffee, what happened?" 

"Sir, kanina ka pa din hinihintay ng kape mo, feeling ko nga mas malamig pa yang kape sayo. Mauna na ako." 

"Tinatanong kita Anya." may pagbabanta sa tono ng pananalita nya.

"Sinasagot naman kita. Can't you just leave me alone, Sir? I'm famish." pagmamaktol ko pa sa kanya.

"I guess you heard us." I don't know if I heard the guiltiness on the way he said those words. "I'm sorry."

"Wait, Sir. Una sa lahat, hindi ko na binigay ang kape mo dahil nga ayaw kong makaistorbo sa kachorvahan nyo ng kasama mo. And why the heck are you saying sorry to me? Boss kita. Wala akong karapatan na makialam sa mga agenda mo sa buhay. You can do whatever you wanted to do, so no need to say sorry." bwisit!

"Can we have lunch together?" paanyaya nya sakin.

I gave him my sweetest smile and... "No Sir. I don't like the idea of eating with my Boss." or the idea of eating my boss! Charot!

Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa hindi ko na sya matanaw. Nawalan na din ako ng ganang kumain kaya naman nagpunta na lang ako sa salon na malapit sa company. Nai-stress ako at kapag nai-stress ako kung anu-ano ang ginagawa ko. 

"Shag haircut." Sabi ko sa hair stylist nang tanungin ako kung ano ang gusto kong ipagawa sa buhok ko. Ngayon ko lang naisipan na ipagupit ang mahaba kong buhok. 

"Gaano kaiksi Madam?" 

"Hanggang balikat." Nakangiti kong sabi sa kanya. Kailan ko ba huling pinagupitan ang buhok ko? Kasi naman ang hirap at ang tagal pahabain ng buhok ko. But, my hair is for a cause! "Cut it this way then pakitabi ang buhok na nabawas sakin." This is me getting my mood back.

"Para saan Madam? Ang gandang gawing wig nitong buhok mo." Hay nako. May mga salon kasi na bumibili ng pinaggupitan na buhok para gawing wig.

"My hair is not for sale." Ngiting sabi ko sa kanya. And I have a good friend of mine that will always do me a favor. Tulad nga ng sabi ko, my hair is for a cause.

After a while, pinuntahan ko ang shop ni Shane para sa sadya ko at saka bumalik sa opisina with my new hair! 

Muntik na akong hindi papasukin ni manong guard dahil sa bagong hair style ko. Naku nga! Nagandahan lang talaga sya sa akin. Charot!

"What have you done to your hair Anya?" Kleavan asked me, naabutan ko kasi syang nakaupo sa table ko at mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Pakialam mo Sir?"

"Tinawag mo pa akong Sir kung ganyan lang din naman ang sagot mo."

"Edi pakialam mo na lang. Umalis ka na dyan marami pa akong gagawin." pagtataboy ko sa kanya.

"Later, 7pm. Your Mom asked me to take you home. Wait for me here." 

"Pwede ba Kleavan, lubayan mo ako. At kaya kong umuwi mag-isa. Wag mo akong guluhin." can't you see? I'm trying so hard to avoid you.

"Yan ba talaga ang gusto mo?" 

"Hindi ba ikaw ang may gusto nyan? Look Kleavan, no matter how close you are to my family, you're still my boss. I am keeping your words. At isa pa, let's be civil to each other dahil gustong gusto ko ng kalimutan kung ano ang nangyari satin. You took my virginity and what? Parang wala lang sayo. Kung hindi mo ako titigilan magre-resign ako." kinuha ko ang inihanda kong resignation letter at saka binigay sa kanya. "Take it or leave it, I don't care. I'll ask someone to get all of my stuffs. Good bye Kleavan." 

Ang bobo ko naman kasi. Bakit pa ko nag-apply apply sa kompanya na to, I meant, bakit ko pa ba kasi pinilit na mapalapit sa gunggong na 'to. Pagkatapos akong patikimin mg sarap, bigla na lang eeskapo.

I just really don't get myself sometimes, and I really don't get how men thinks! Sarap nilang sakalin isa-isa!

#GoodbyeFeelings!

GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon