Hindi ako in-aasign ni Mommy sa isa sa mga office sa Makati. Instead dito lang din sa Angeles City. Na halos ilang kilometro lang din ang layo mula sa kompanyang pagmamay ari ni Kleavan.
Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Mommy at bakit pilit pa rin nyang pinaliliit ang mundo namin na dalawa.
"I hate it. I hate this." Sabi ko kay Lea na isa sa mga staff namin.
"Bakit Ma'am? Anong problema?"
"Heh! Wag mo akong intindihin. Maghanap ka ng aplikante natin at kanina pa tawag ng tawag itong si Mr. Mendez at kailangan nila ng isang purchasing staff."
"Si Ma'am naman. Relax muna. Wala pang aplikante. Naubos na yata sila." Natatawa pa nyang sabi.
"Hindi ko ba alam at bakit walang nagtatagal na trainee sa kanila. Minsan nga bisitahin mo sila." Tudyo ko sa kanya.
"Si Mr. Perci ma'am nagpapahanap din po ng secretary."
"Bigyan mo ng sampung babae." Wala sa isip na sabi ko.
"Bitter mo Ma'am Anya."
"Gusto mo dalhin kita sa kanya Lea? Ikaw yung gawin nyang secretary?"
"Naku Ma'am, I love my job here. Ayaw kong lumapit sa tukso." Natatawa pang sambit nya.
"Gusto mo kasi ikaw ang tinutukso!" Natatawang sabi ko sa kanya. Puro talaga kalokohan itong babaeng 'to. "Basta padalhan mo sya ng sampung babae. Para naman maligayahan sya at wala na syang mapaglagyan ng lakas."
"Ikaw talaga Anya kung anu-anong sinasabi mo dito kay Lea." Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ni Mommy sa likod. "How's the office?"
"Still a mess My. Ang daming kailangang i-file tapos magpaprocess pa ako ng payroll once na maibigay na ng HND ang DTR ng mga empleyado. So, busy later. Umalis si Carlo para magduty sa St. Anne."
"Masyado mo atang nilulunod sa trabaho ang sarili mo anak. Hindi porke may masakit sayo.." sabay turo sa may puso ko. "Idadamay mo na pati ang buong katawan mo."
"My, I am doing these things for myself. Ayaw kong lunurin ang sarili ko sa pagmamahal na hindi naman kayang ibigay sa akin."
Magsasalita pa sana si Mommy ng biglang magring ang cellphone nya.
"Yes. She's here Hijo." Hindi ko alam kung sino ang kausap nya pero malakas ang pakiramdam ko na si Kleavan ang kausap nya at ako ang tinutukoy ni Mommy. "Gusto ka raw makausap ni Kleavan." Sabi sakin ni mama pagkatapos nyang i-end ang call nila.
"Sana sinabi mo Mommy na busy kami sa paghahanap ng sampung babae na gagawin nyang secretary nya." Pang-uuyam ko pa at nagpatuloy sa paghahanap sa 201 file ng isa namin na empleyado.
"Why are you being so rude Anya? I believed that your parent didn't raise you like that." Nagulat na lang ako sa biglang pagsulpot ni Kleavan sa main entrance ng office.
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa kung anuman ang gusto kong gawin sa buhay ngayon.
"Oh Hijo, andito ka na pala." Magiliw na bati dito ni Mommy bago bumeso. "May kailangan ka ba at talagang sinadya mo pa kami dito sa opisina."
"I need your daughter Auntie."
It was just a simple words but it gave me palpitations. Ano baaaaa, sabi ng nagmumove-on na ako eh!!!
Tinignan ako ni Mommy at tila ba hinihintay na may sabihin ako.
Pero tulad nga ng gusto kong gawin sa buhay, mananahimik na lang ako.
"Don't worry Hijo, we're finding you a good secretary already." Pagsalo na lang ni Mommy because of the awkwardness.
"I only want your daughter Auntie as my secretary. " Mataman syang pinakatitigan nito na syang naging dahilan ng abnormalities sa paghinga ko. But no, i know Kleavan.
I stood up and dragged him out of the office.
And as soon as we reached the empty lobby, I slapped him.
"How dare you play with my emotions?! After what you said and what you did, ang kapal naman ata ng face natin my dear? Hindi lahat madadaan mo sa kagwapuhan mo, come to think of this, tanging ang kagaguhan mo na lang ang nakikita ko ngayon."
Maybe being rude to him is the best thing that I can do for him not to bother me anymore.
"Please, leave me alone. I don't need someone like you in my life. You are just wasting my time, and I don't wanna waste your time too." Pansamantala ko syang pinakatitigan bago sya talikuran.
Even if there is a little hope, I have to move on.
To save myself.
----
How's the story so far? Hope you're all enjoying this one! Thank you!!
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)
Genel KurguAs much as possible, Anya doesn't want to involve herself to any man. Para sa kanya, ang mga Adan ay kasumpa-sumpa, na ang lahat ng lalaki ay nakatakda para saktan ang bawat kababaihan. Ngunit paano kung ang lalaking minsan na nyang tinalikuran ay...