16

9.2K 151 4
                                    

Sanya

Nagising ako mula sa marahang haplos sa mukha ko. Dahil sa nanlalabong mata, hindi ko agad naaninag kung sino ang humahaplos sa mukha ko, muli, nakaramdam na naman ako ng takot.

"Baby, it's me..." napanatag naman ako nang marinig ko ang boses ni Kleavan. Thank God!

Agad akong napayakap sa kanya dahil parang naubos ang lakas ko mula sa mga nalaman ko.

"C'mon. We're going out for dinner." Napatingin naman ako sa suot kong damit. Mukha namang naintindihan nya yung gusto kong ipahiwatig. "Don't worry about that Anya, naipahatid na ni Tito Jose ang mga damit mo dito. Sooner or later lilipat tayo sa hacienda para mas safe ka."

Agad akong umiling sa sinabi nya. "O-okay na dito. Gusto ko lang maging safe ako hanggang sa makapanganak."

But who am I kidding? Of course, gusto kong makasama sya hanggang sa pagtanda at manatili sa tabi nya hanggang sa huling hininga namin. Pero hanggang kailan naman ako aasa?

Bumangon na ako sa pagkakahiga at naghanda para makaalis kaming dalawa.

Makaraan ang isang oras, ready to go na ako.

"Halika na." Iniabot nya sakin ang isang kamay nya, holding hands while walking?

Walang pag-aalinlangan na inabot ko ito. Tinanguan ko muna ang mga bodyguards ko bago sumakay sa sasakyan ni Kleavan, which means sundan na lang nila kami ni Kleavan gamit ang sasakyang dala nila. Hindi lang naman ang sarili ko ang gusto kong protektahan.

"Are you craving for something?" He asked.

"Steak." Nabanggit ko na lang.

Wala pang isang oras, nakarating na kami sa Steak House na pagmamay-ari ni Jacob. His friend.

Tahimik lang kami hanggang sa maiserve na ang pagkaing inorder namin. Ang heavy ng atmosphere!

"I saw it." Basag niya sa katahimikan. "Is someone trying to harass you?" Bakas ang galit sa pananalita niya.

"I d-don't know either." Hindi ko naman kasi masabi kung hinaharass ako ni Calvin, but to think that he killed my pet, it will be easy for him to hurt anyone, and me.

"Who sent you the letter?" Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong nya. Ang daming what ifs na pumapasok sa isip ko. Paano kung sabihin ko kay Kleavan, then he will confront him and ma-provoke si Calvin, ano na lang ang pwedeng mangyari? "Let's just eat. Malalaman ko din naman" Sumusukong sabi ni Kleavan. Hindi ko gaanong naintindihan yung last part ng sinabi nya, hindi na rin ako nagtanong dahil baka mamaya humaba pa ang diskusyon namin dalawa.

Hindi ko maiwasang isipin kung bakit ginagawa ni Calvin ang lahat ng 'to. Ilang sandali lang ang ginugol namin ni Kleavan sa pagkain at bumalik na rin kami sa condo nya dahil nakakaramdam ako ng pagod.

"Where are you going to sleep?" I asked because he offered the bed. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na isa lang ang kwarto nya. "You can sleep beside me." Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa mukha nya. Iniwan ko naman na sya at maghahalf bath ako.

Ginawa ko ang evening rituals ko at nahiga na sa kama kung saan naroon si Kleavan, na tanging boxers lang suot. Bigla naman akong nakaramdam ng init kaya tumagilid ako ng higa para hindi ko maisip ang mga bagay na hindi ko dapat maisip.

"We used to be like this when we were young." Nabigla naman ako sa tinuran nya. Those were the precious memories I had with him.

"Not until you fucked up everything." I said, coldly.

"Don't blame the young me, I'll make it right this time." He hugged me, ramdam ko ang init ng hininga nya sa batok ko. "Goodnight, babies." Sabay haplos nya sa tummy ko.

He sure knows how to make it to someone's heart.

His gestures is flattering the hell out of me.

I don't know, but lying here beside him, feels so damn right.

So damn right that it scares me most.

···

I was busy lately, busy kakapanood ng Sword Art Online! Hahahaha. Pasensya na guys! Alam kong maiintindihan ako ng mga nakapanood na nito at kung bakit nauubos ang oras ko kakapanood ng SAO. Anyway, nasa Sword Art Online II na ang pinapanood ko. 😂 At hello naman sa kapatid ko na hanggang ngayon siguro, February 22, 2018, curious ka pa din kung ano ang username ko dito sa wattpad. Hahaha! 😂

Ohkaaaay! Try ko po na tapusin ang story na ito bago ako tumanda ulit ng isa pang taon.

God bless us all guys!'💘

GENTLEMAN SERIES 2: Kleavan Perci (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon