"Mindy! Bumaba ka na at baka mahuli ka pa sayong trabaho!"
Naalimpungatan ako sa sigaw ni Nanay kaya wala akong nagawa kundi bumangon. Napairap na lang ako sa sinag ng araw. Fuck you sun! Ang sakit mo sa matang bwisit ka but thank you for this day.
Nag-unat unat muna ako sa harap ng salamin at pinakatitigan ang aking sexy body.
"Hey sexy! Marami na naman magnanasa sa kagandahan mo!" Napahagikhik ako sa harap ng salamin.
"Ano ba naman yan Mindy! Lagi mo na lang yan ginagawa pagkagising mo!" Nakapameywang na sabi ni Nanay.
"Goddess kasi 'tong daughter niyo, Nay!" Nakangusong sabi ko.
"Oo na! Sige na! Kumain ka na!"
Natawa na lang ako at kumapit sa braso niya para sabay kaming pumunta sa kusina. "Sorry talaga, mother dear kung ngayon lang ulit ako nakabisita sayo huh? Busy kasi ang beautiful daughter mo sa work," sabi ko habang naghihiwa ng tinapay.
"Ano ka ba naman? Naiintindihan ko, tsaka isa pa, nalilibang ako sa mga kasisters ko," sabi ni nanay.
"Nay naman! Diba sabi ko wag ka na masyadong nagsisilabas? Bawal ka mapagod masyado!"
Tumawa lang siya saakin at nilapag ang kape sa harap ko. "Baka bigla na lang ako manigas dito kung wala akong gagawin diba? Mabuti ng maglakad-lakad minsan."
"Bakit nga ba di natuloy ang pagmamadre mo, nay?"
Wala lang, gustong-gusto ko lang naririnig yung kwento niyang yun.
"Paulit-ulit ka talagang bata ka!" Umupo siya sa tapat ko at ngumiti. "Nakilala ko kasi si Gregor, ang lalaking tanging minahal ko. Nagkamabutihan kami hanggang sa napagdesisyunan na magpakasal."
Napanguso ako sa kwento ni nanay. Kainis! Di niya kinwento ng buo. Tsk!
"Bakit nga ba kita nakitang nakamadreng damit nung tatalon na dapat ako sa tulay?" Nakangising sabi ko at napabuntong hininga siya sa kakulitan ko.
"Kasi nga galing ako sa shooting nun. Ganap ko ay isang madre, feel na feel ko kasi kaya lumakad akong nakaganun."
Natawa na lang ako sa kwento ni nanay. Akala ko talaga dati madre siya yun pala shooting lang.
"Aalis na po ako sister Maria, sana ay huwag po kayong pasaway," sabi ko sa mababang tono na kinatawa ni nanay.
"Ikaw talagang bata ka oo! Napakapasaway mo!"
Nagtawanan kami bago ako naligo para maghanda sa opisina. Meron din naman kasi akong damit dito sa bahay.
Napangiti ako habang kumukuha sa aparador na malapit ng bumigay. Natutuwa din ako sa tunog ng sahig na bawat tapak ko ay parang bibigay na. Ewan ko ba kay nanay, ayaw paayos 'tong bahay namin, marami daw kasi silang alaala ng mahal niyang si Gregor dito.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng isang polong kulay puti na hanggang siko at itim na pencil skirt. Napangiti ako ng makita ang mapula kong labi at malalim kong mga mata. I'm so beautiful, I'm sure men would ogle.
Humarap ulit ako sa salamin at ngumiti. Bakas na bakas din ang tindi ng tama ng puberty sakin. Ako na yata ang epitome ng when puberty hits you at sigurado ako na pagpinost ko ang changes ng mukha ko sa social media ay baka maging instant celebrity ako. Siguro yung mga classmate ko nung highschool hindi na ko mamumukhaan sa dami ng pagbabago sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Her Debt
General FictionTo be with her. To take care of her. To give her chocolates everyday. To cherish her. To treat her as a queen. To make her happy. To make her feel loved. He will do everything to make sure that she is happy. To put justice on his own hand. To ab...