PAYMENT 16

3.5K 64 2
                                    

Tinignan ko ang suot kong itim na dress. Pinatungan ko din ito ng dark gray na cardigan.

Tinignan kong maigi ang sarili ko sa salamin at napangiti. I can see a very gorgeous lady infront of me. Her short auburn hair is beautiful and it fits her well. The dress looks pretty good on her.

"Ganda ko talaga! Kaya ang daming lalaking nabibighani saakin," sabay flip ng buhok ko sa salamin.

Umupo ako at tumitig ulit sa aquarium ko. Ang payapa na naman nila. Napangiti ako when I saw Kaine. My big fish, siya ang pinakamalaki sakanilang lahat kaya Kaine ang pangalan niya.

Kamusta na kaya siya?

Inubos ko na ang kape ko at tumayo para makaalis na. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili ko bago umalis. Sabi kasi ni Sir Kai, wear something nice.

Hiyang-hiya naman ako sakanya. Napapangitan yata sa mga porma ko. Saakin nga nagtatanong ng magandang damit si Blair! Kaya sinigurado kong palong-palo ang suot ko ngayon.

Pagkapasok ko pa lang ng floor namin ay nakatingin na sakin ang mga employee. Tinaasan ko sila ng kilay ng makita ang iba ay napapangiti at napapailing. Ang weird nila.

Nagkatinginan kami ni Blair bago ako nito irapan then she raised her middle finger. Inirapan ko na lang siya sa inasal niya. Siraulo talaga.

Pagkabukas ko pa lang ng opisina ko ay naamoy ko na agad ang aroma ng bulaklak. Napanganga ako ng makitang punong-puno ng bulaklak ang opisina ko.

"What the... fuck?" Tanging nasabi ko.

Iba't-ibang klaseng bulaklak ang nakikita ko. Sino namang gagawa nito? May admirer na yata ako. Mukhang mayaman.

"You like it?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Napanganga ako ng makita si Sir Kai na prenteng nakaupo sa swivel chair ko. Tumayo ito at nakapamulsang lumapit saakin.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkabigla. Magkaharap na kami ngayon habang nakangiti siya saakin. Nilabas niya ang isang kamay niya at pinakita ang palad niya.

"Flowers for the drop-dead gorgeous lady."

Napangiti ako sa nakasulat sa palad niya. Napatingin ako sakanya na nakangiti na din sakin. He's also a drop-dead gorgeous. Siya na ba ang hinihintay ko? Siya na ba ang magpaparanas sakin kung gaano kasarap mahalin? I don't mind.

"Para saan 'to, sir?" Tanong ko.

"Sayo," nakangiti pa ring wika nito.

Napakamot ito sa batok niya at binigyan ako ng isang boyish grin.

"Pero Sir? Bakit? Akala ko po ba may babaeng mahal kayo? Para saan 'tong mga flowers na 'to?" 

Diba sabi nga niya, may babaeng mahal siya? At mahal na mahal niya 'to. Tapos ngayon bibigyan niya ko ng flowers? Para saan?

"Mindy..."

Napahinto ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kami bago siya nagbuntong hininga.

"Unang kita ko pa lang sayo nung bigla ka na lang pumasok sa kotse ko. May naramdaman na agad akong kakaiba sayo," ngumti ito sakin at hinawakan ang kamay ko. "Hindi lang naman ikaw ang babaeng nang-akit sakin kaya nagtataka ako kung bakit di kita matanggihan. In the end, I lose my virginity to you."

Namula ako sa sinabi niya. Bakit kailangan niya pang ipaaalala yun? Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napabalik ang tingin ko sa mga mata niya.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon