Natatawa akong umikot sa harap niya na ngayo'y ngiting-ngiti na din sakin. Mabilis akong lumapit sakanya at yumakap ng mahigpit. Nagtawanan lang kaming dalawa hanggang sa humiwalay na din ako sakanya.
Pinakatitigan ko siya. "Ayaw mo talaga ng anti-aging na sabon Nay?"
Pabiro ako nitong hinampas. "Tigil-tigilan mo ko sayong kalokohan, Mindy! Hay naku! Sige na! Gumayak ka na!" At pinagtulakan niya ko sa pinto.
Natatawa akong nagpaubaya dito at sa paglabas namin ay agad kaming sinalubong ng isang makisig na lalaki. Bakat na bakat ang katawan niya sa suot niyang long sleeve polo na kulay maroon.
"Good morning handsome!" Sabay halik ko sa labi nito.
"It's almost twelve, Ms. Espeilla. Morning pa rin ba yun?" Sarkastikong tanong nito habang masama ang tingin sakin. Lumapit ito kay Nanay sabay mano bago kami tuluyang nagpaalam dito at sumakay na sa kotse.
"I'm telling you, Ms. Espeilla. Pagnalate ka pa ulit lagot ka sakin and stop using me as your shield!"
Natatawa ko siyang tinignan kahit sobrang sama na ng tingin niya sakin bago kami tuluyang pumasok sa trabaho. That's normal for me, everything is normal. Time passed by so fast; magdadalawang buwan na palang normal ang lahat para samin. Ganto lang naman talaga yung gusto ko, yung simple lang.
Pinagsalikop ko ang mga daliri namin pagkarating sa condo unit ko pagkatapos ng trabaho namin. Ngumiti ako dito pero seryoso lang ang tingin nito sakin. Kinunutan ko lang siya ng noo.
"Masaya ka pa ba?"
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang klaseng tanong yan? Syempre masaya ako! Masayang-masaya!
"Ano bang klaseng tanong yan?" Natatawa kong turan. "Syempre masaya ako! Nandito ka kaya sa tabi ko!"
Malungkot itong ngumiti sakin kaya napakunot noo ako. Napabuntong hininga ito bago ilahad ang kamay niyang may lamang chocolate bar. Kukunin ko na sana pero nagulat ako ng bigla ako nitong hilahin papalapit sakanya at mahigpit na niyakap.
"Stop acting like your happy with me, Mindy. Nasasaktan mo ko."
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumatak ang luha ko. Hindi lang patak kundi naging hikbi hanggang sa tuluyan nang naging hagulgol. Niyakap ko na lang din siya ng mahigpit na mahigpit.
"I know, Mindy. Nung una nakakaya ko pang ganyan ka pero habang tumatagal lalo lang sumasakit and I don't want you hurting. Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Gusto kong pasayahin ka pero hindi ko alam kung papano."
Pagkahiwalay ko sakanya ay nakita kong namumuo na din ang luha sa mga mata niya. Nasasaktan ako habang nakikita ko ang mga iyon pero ngayon alam ko na kung bakit ako nasasaktan. Malungkot itong ngumiti sakin at pinawi ang mga luha ko.
"Stop pretending, Mindy. Pagmas kinimkim mo yan, mas sisikip lang ang dibdib mo. I know every small detail about you. Tingin mo ba hindi ko mapapansin, Mindy? Do you think I'm dumb not to notice this?"
Napailing-iling na lang ako habang pinupunasan ang luha ko. I thought I can fool everyone. Muntik ko na nga din mapaniwala ang sarili ko na masaya ako pero bakit kailangan pang may magpaalala sakin na nagpapanggap lang ako?
"Pero ang gago talaga ng Gray na yun! Bakit ang bilis ka niyang sinukuan? Bakit iniwan ka na lang niya ng basta-basta sakin? Bakit hindi ka niya pinaglaban!?"
"I'm sorry, Kaine."
Umiling ito sakin at mapait na ngumiti. "You don't have to. I know you tried so hard. Alam ko kung paano mo pinilit ang sarili mo mahalin ako pero anong magagawa ko? Anong magagawa mo? Your heart wants Gray."
BINABASA MO ANG
Her Debt
General FictionTo be with her. To take care of her. To give her chocolates everyday. To cherish her. To treat her as a queen. To make her happy. To make her feel loved. He will do everything to make sure that she is happy. To put justice on his own hand. To ab...