Nagising ako sa tunog ng isang cellphone. Sinubukang kong kapain sa side table pero wala dun.
May narinig akong bahagyang umungol at hinatak ako papalapit sakanya. I can feel the warmness. Niyakap ko din ito pabalik. Patuloy pa rin ang pagtunog ng kung ano kaya naiirita akong tumayo at kinuha ang cellphone mula sa isang maong shorts.
"Hello?" Iritang wika ko.
"Good morning to you too," sarkastikong sabi nito.
Napalaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Gray sa kabilang linya.
"Hi! Good morning!" Masayang sabi ko.
"Where are you? Bakit di ka nagrereply sa text ko?" Masungit na ani nito.
Napangiti ako sa napakagwapo niyang boses. This what I call a good morning.
"Sorry! Maaga kasi ako nakatulog," sabi ko.
Bahagya akong napakunot noo ng madatnan ang di pamilyar na lugar saakin.
"Tss. Paalis na ko mamaya."
Wala din akong suot na damit. Tumingin ako sa kama at napanganga ng makita ang isang lalaking natutulog na tanging pangibabang bahagi lang ang natatakpan ng kumot.
"You still there?"
"O-Oo... ano... sige... ahhmm.... punta na ko dyan...bye!"
At dali-dali ko ng pinatay ang tawag. Oh my ghad! O to the M to the G! Dinampot ko ang damit ko at agad na nagbihis.
Naalala ko na lahat! We... we had sex! Omyghad! Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng lalaking 'to!
Lumapit ako sa kama at tinignan ang lalaking mahimbing na natutulog. Gulo-gulo ang buhok niya at bahagyang naghihilik kaya napatawa ako. Ang gwapo niya.
"You look perfect..." nakangiting sabi ko dito.
Bahagya kong hinaplos ang buhok niya. I remembered his sweetness and gentleness. Ang swerte naman ng girlfriend niya. She have a very charming boyfriend.
"Thanks, love."
Dahan-dahan akong lumabas para hindi siya magising pero mukhang tulog mantika naman siya.
Pagkadating ko sa condo unit ni Gray ay mataman itong nakatingin sakin. Napalunok ako. Bakit ba ko kinakabahan? Wala naman akong ginawang masama.
"Saan ka galing?" Taas kilay na tanong nito.
Umiwas ako ng tingin at tinignan ang daliri ko. Why am I feeing guilty? Wala naman kaming usapan na dapat siya lang.
"Kila Blair lang," sabi ko.
"You sure?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
Tumango ako sakanya pero sinenyasan niya lang ako na lumapit. Dahan-dahan akong lumapit sakanya at tila napapaso sa tingin niya sakin.
"Call Blair. I wanna talk to her," madiin na sabi nito.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Blair. Umayos ka Blair! Sasamain ka saking bitch ka!
"Hello bitch!"
Hinablot bigla ni Gray mula sakin ang cellphone at nilagay sa tenga niya.
"Sino kasama mo kahapon?" Ani nito.
Nakatingin lang 'to sakin na parang nanunuri. Kinakabahan ako. Bakit kasi hindi niya iloud speaker?
"Okay, thanks," tapos pinatay na nito ang tawag.
BINABASA MO ANG
Her Debt
General FictionTo be with her. To take care of her. To give her chocolates everyday. To cherish her. To treat her as a queen. To make her happy. To make her feel loved. He will do everything to make sure that she is happy. To put justice on his own hand. To ab...