Hawak ko ang isang baso ng kape habang nakatingin sa aquarium. Ang payapa tignan ng mga isdang 'to habang lumalangoy sa loob. Para bang wala sila problema. Masaya kaya maging isda? Yung bigla na lang may mahuhulog na pagkain mula sa taas?
"Okay ka lang ba dyan Dory? May short term memory lost ka pa naman. At ikaw Nemo! Wag kang masyadong makulit baka mawala ka! Kawawa naman si Marlon pagganun."
Napailing na lang ako habang kinakausap ang mga isda. Nababaliw na yata ako. Inubos ko na ang laman kape at napatingin sa orasan. Muntik ko ng mabasag ang baso ko ng makitang late na pala ako. Paanong nangyari yun? Kanina pa pala ako tulala. Kasalanan 'to ng mga isdang yun!
Mabilis kong kinuha ang bag ko at dali-daling pumunta sa parking lot at sumakay kay Minree.
Napabuntong hininga ako ng makarating na ko sa floor namin. Maglalakad na lang ba ako na parang walang nangyari tutal ako naman ang head nila? Hala wag! Baka gayahin nila ako magisa pa ko ng big boss. Bahagya akong umupo at tinignan muna ang paligid bago dahan-dahan lumakad.
Para akong palaka dito para lang hindi nila ako makita tutal busy naman sila sa kanya-kanya nilang cubicle kaya hindi nila ako napapansin.
"What are you doing?" Malamig na sabi ng isang boses.
Napahinto ako sandali pero hindi ko pa rin siya nilingon baka isa lang siya sa mga empleyado ko.
"Wag ka nga maingay! Kita ng nagtatago ako dito kasi baka makita nila ako. Shit kasi! Bakit ba late ako? Wag kang maingay kundi bibigyan kita ng maraming trabaho kaya kung ayaw mo nun manahimik ka na lang," inis na sabi ko dito habang tuloy sa paggapang?
May nakita akong makintab na sapatos sa tabi ko pero hindi ako tumingin dito kasi nakafocus ako sa paggapang, nakaheels pa naman ako. Konti na lang.
"Wow. Just wow. Miss whoever you are, are you blackmailing me? Wow," sarkastikong sabi nito.
Tsk. Bahala ka dyan. Tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa pinto ng opisina ko at pumasok dun. Nakahinga ako ng maluwag at tumayo habang inaayos ang suot kong pencil skirt.
Thank you, Lord! Buti na lang isa lang ang nakakita sakin.
"What a shame. Head ng finance pero late? Are they sure about you?"
Napairap ako sa kung sino man 'tong hinayupak na 'to. Ang kulit niya in fucking fairness. Kung tirisin ko kaya siya ng manahimik? Nakatalikod ako sakanya kaya hindi ko makita ang mukha ng kung sino man sanggano ito.
"I'm sorry, okay? Kasalanan kasi yun ng mga isda kasi ang gagaling nila kumembot kaya napatulala ako sakanila," sarkastikong sabi ko.
Pagak itong tumawa at naramdaman ko ang paglapit nito. "I'm so impressed about your reason. Nakakatuwa naman na sinisi mo sa isda kung bakit ka late."
Nagtaasan ang buhok ko dahil sa bulong niya. Sobrang lapit niya sa likod ko. Napabuntong hininga na lang ako.
"Pwede bang lumayas ka na sa opisina ko bago pa kita matiris? Bumalik ka na sa trabaho mo!" Asar na turan ko.
Ang kulit naman ng lalaking 'to! Pero in fairness sakanya, ang bango niya.
"I'm so sorry, Ma'am. Nahiya kasi ako sa iba dyan na kanina ko pa binabalik-balikan kasi ang tagal pumasok at napakareasonable ng pagkalate niya. May hospitality din siya at napakabait, sobrang bait."
Napakunot noo ako sa inis. Pinapatamaan niya ba ko? Bahagya akong lumayo sakanya dahil naiilang ako sa sobrang lapit niya sa likod ko.
"Pinapatamaan mo ba ko? At sino k-"
BINABASA MO ANG
Her Debt
General FictionTo be with her. To take care of her. To give her chocolates everyday. To cherish her. To treat her as a queen. To make her happy. To make her feel loved. He will do everything to make sure that she is happy. To put justice on his own hand. To ab...