PAYMENT 19

3K 58 1
                                    

Tinignan ko ang brewed coffee na ginawa ko para kay Gray at ang toast bread. Mukhang okay na 'to. Ayaw naman kasi ng isang yun ng kanin sa umaga.

Dadalin ko na sana sa kwarto ng makitang lumabas na din si Gray na nakabihis na.

"Good morning! Kain ka muna," nakangiting saad ko dito.

Tinignan lang ako nito at dire-diretsong lumabas ng unit niya. Napabuntong hininga na lang ako. Fuck his mood swing. Saludo ang middle finger ko sayo.

Inirapan ko ang nakahandang pagkain sana kay Gray at ako na lang ang uminom ng kape. Paharass ko ding kinagat yung toast bread. Badtrip talaga siya!

Ang lakas ng loob mangsnob pero kagabi naman ayaw ako pakawalan. Bwisit.

Napatalon ako ng biglang tumunog ang phone ko at parang gusto kong magwala ng mabasa ang text message ng hinayupak.

From: Gray the fucker

I used your car. Kunin mo yung kotse ko sa club.

Hindi na ko nakapagpigil at tinapat ang middle finger ko sa screen ng cellphone ko. Ang kapal ng mukha niya talaga!

Ginamit niya pa talaga yung kotse ko! Shit talaga! Bakit kasi sa side table ko lang nilagay yung susi ko?

Iritang-irita ako habang nakatayo dito sa labas ng condominium ni Gray. Bwisit na mga taxi na 'to! Bakit ang hirap niyo hagilapin?

"Taxi!" Dali-dali kong pinara ang isa at sasakay na dapat ng may humawak din sa handle ng taxi.

Nagtaasan kami ng kilay ng hito na 'to bago ko siya tinulak at sumakay sa taxi. Take that, you bitch. Nginitian ko pa ito ng plastik ng nagsisigaw ito sa galit.

"Sa FJD po," sabi ko sa driver.

Agad kong nakita ang kotse ni Gray. Not bad. Mukhang mag-eenjoy ako idrive ito.

Nakangisi ko itong pinatunog at sumakay sa loob. Amoy Gray agad ang bumungad sakin.

"In fairness, ang bango-bango talaga dito," saad ko.

Binuksan ko ang makina at agad itong pinatunog ng malakas na kinatingin ng mga tao kaya lalo akong napangisi. Mainggit kayong lahat!

Mabilis ko itong pinagtakbo na lalo kong ikinangisi. I'm starting to enjoy this. Ngayon ko lang kasi nadrive ang isa sa mga kotse ni Gray. As if he'll let me kung wala lang nangyari na ganto.

Pagdating sa parking lot ng Vogel corporation ay pinagtitinginan ang kotse na dala ko. Who wouldn't when you see the latest model of pagani?

Bumaba ako sa kotse at hinubad ang aking suot na shades. Diba? Pak na pak talaga ako ngayon araw.

Pinatunog ko ang kotse bago pumasok sa loob ng company. May gamit din pala yung pang-uutos sakin ni Gray.

"Hoy bitch! Ano na namang eksena mo? Pasikat ka masyado! Kanino namang kotse yun?"

Umirap lang ako sa biglang sumulpot na si Blair. Sabay na din kaming sumakay ng elevator at saktong kami lang dalawa.

"Alangan naman sakin yun? May pambili ba ko?" Mataray na saad ko sabay irap. "Malamang kay Gray yun. Pinakuha niya sa club at ang damuho! Kotse ko yung ginamit kaya manigas siya. Mamaya ko pa sosoli sakanya."

Tumawa ito ng malakas. "Home girl ka lang pala ni Gray!"

Umirap ako dito at lumabas na ng elevator. Hindi ko na 'to pinansin at dumiretso na sa opisina ko.

"Hi beautiful! May kailangan tayong puntahan," sabay lagay ng chocolate sa kamay ko.

Hindi na ko nito hinintay na sumagot at hinawakan na agad ang kamay ko. Hinatak niya ko palabas ng opisina ko.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon