Nakalumbaba ako habang tinitignan ang malapit ng bumigay na ref namin. Parang isang kalabog na lang, masisira na.
"Mindy! Aba! Bilisan mo ang kilos at baka malate ka sa opisina mo! Naku naman!"
Napanguso ako kay Nanay at nagpatuloy sa pagkain. "Bakit ba kasi ayaw mo pang bumili ako ng bagong ref, Nay? Sira na yan."
Nilapag nito ang kape sa harap ko at umupo sa harap ko. Kitang-kita ko ang mga guhit sa mukha niya na tanda ng katandaan.
"Mahal kaya ang bili dyan ni Gregor! Kaya iniingatan ko yan," sabay kaming napatingin sa madilaw na ref namin.
Kumagat ulit ako sa tinapay. "Wala ba talaga akong pwedeng gawin para sa bahay natin?"
Tumawa lang ito at binigyan ulit ako ng tinapay. "Ikaw talagang bata ka! Okay naman 'tong bahay natin! Wag kang mag-alala."
Napabuntong hininga na lang ako sa sagot ni Nanay. Ayaw niya talagang may binibili ako para dito sa bahay. Siguro tanging yung tv lang at yung pangmasahe niya yung nabili ko para dito sa bahay. Ayaw niya talagang palitan dahil sa asawa niyang yumao. Marami daw alaala.
"Siya nga pala, kamusta naman ang trabaho mo? Baka nagpapasaway ka na naman."
Pilya akong ngumiti kay Nanay at kumindat pa na nagpailing sakanya. "Head of finance na yata 'tong beautiful daughter niyo."
"O siya! O siya! Kumain ka lang mabuti ng makapasok ka na."
Tinignan ko ang orasan at napansing maaga pa naman. Siguro mga isang oras lang naman ako late. Napangisi na lang ako. This is life. Walang Mrs. Lampara na papagalitan ako pero minsan namimiss ko rin yung machine gun na bunganga ni Mrs. Lampara.
Napairap ako ng biglang sumagi sa isip ko yung Gray the fucker na yun. Siya pa talaga may ganang magalit kasi hindi daw nakapag-perform ng maayos yung babae kasi masakit yung balakang.
Buti nga sakanila! Mga makakati sila! Mga walang modo! Baboy! Hudas! Walang hiya!
Akala mo naman napakagwapo ng Gray na yun makaasta! O sige na! Gwapo pala talaga siya. So fucking handsome pa nga.
Kaya nga dito na lang ako dumiretso sa bahay ni Nanay sa sobrang sama ng loob ko kay Gray. Ni hindi na nga kami nagkibuan sa eroplano tapos iwan ba naman ako sa airport? Hindi man lang nagpakagentleman at hinatid ako sa bahay.
"Anak! Ano ba yang ginagawa mo sa pagkain? Magagalit ang Diyos sa ginagawa mong pagsayang sa biyaya!"
Napatingin ako sa hawak kong tinapay at napansing nadurog ito sa kamay ko. Nginitian ko si Nanay at kinain pa rin ang nadurog na tinapay.
"Ano ka ba mother dear? Uso kaya 'tong mash bread. Sarap kaya!" Palusot ko.
Napailing na lang 'to at timingin sa orasan. "Hala? Mukhang huminto ata yung orasan natin."
Nanlaki ang mata ko at kinuha ang cellphone. Halos mahulog ako ng makita ko ang oras. Kung minamalas ka nga naman! Dalawang oras na pala akong late! Watdapak talaga.
Tumingin ako kay Nanay at sumimangot ng husto. "Mabuti pa, Nay. Bibili na ko ng bagong orasan."
Tumango-tango ito sakin. "Mabuti pa nga."
Dali-dali na kong pumunta sa banyo para maligo. Kaasar! Kanina pa ko sitting pretty dun, yun pala late na ko. Badtrip!
Nagmamadali din akong nagdamit kaya ang una kong nakuha ang sinuot ko na isang kulay mint green na dress, pinatungan ko na lang ng cardigan. Nagmamadali din akong maglagay ng face powder at lipstick. Kahit basa pa ang buhok ko ay lumabas na ko agad.
BINABASA MO ANG
Her Debt
General FictionTo be with her. To take care of her. To give her chocolates everyday. To cherish her. To treat her as a queen. To make her happy. To make her feel loved. He will do everything to make sure that she is happy. To put justice on his own hand. To ab...