"Hello? Bakit, Gray?"
Inipit ko ang phone ko sa pagitan ng pisngi at balikat ko at nagpatuloy sa pagtatype. Deadline na kasi 'to mamaya.
"You ready?"
Napakunot noo ako. "Ready for what? May pupuntahan ba tayo? Pwede bang mamaya na lang hapon? May tinatapos pa kasi ako."
Kaya hindi ko natatapos mga gawain ko dahil dito kay Gray. Kung saan-saan ako hinahatak.
And his as moody as ever. Parang kahapon lang nag-away kami pero ngayon, parang wala lang nangyari.
"Ready for pain." Then I heard his evil laugh.
Napahinto ako sa pagtatype at hinawakan ang cellphone ko. Ibayong kaba ang naramdaman ko.
"A-Anong ibig mong s-sabihin?"
Nakakapangilabot ang tawa niya at yung pakiramdam ko... kakaiba. Parang may hindi talaga magandang mangyayari.
"Ginalit mo ko ng husto kahapon. And I'll punishment. I'll give you a genuine pain."
With that he ended the call.
Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga ng maraming beses pero hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman ko.
What kind of pain this time, Gray? Ano namang klaseng sakit ang ipaparamdam mo sakin? Physical pain? Emotional pain? Sexual pain? Naramdaman ko na lahat yan sa kamay mo kaya anong pinagkaiba?
Hindi. Hindi ako magpapasindak sayo.
Pilit kong tinuloy ang ginagawa ko kahit wala na ko sa wisyo. Para na kong lumulutang at pabalik-balik sa isip ko ang sinabi sakin ni Gray.
Why bother myself too much? Pinilig ko ang ulo ko.
Focus, Mindy. Tinatakot ka lang ni Gray.
Napatalon ako ng biglang bumukas ang aking pinto. "Bitch! Lunch na tayo!"
"Fuck you, Blair! Hindi ka ba tinuruan kumatok?" Inis na sabi ko.
Umingos lang 'to. "Tara na. Baba na tayo."
Wala na kong nagawa kundi sumama sakanya papunta sa cafeteria. Hindi ko alam kung bakit pero panay ang sulyap sakin ng mga tao tapos magbubulungan.
Hanggang sa makarating kami sa cafeteria ay ganun ang nangyari. "Hoy bitch," bulong sakin ni Blair. "Ano na namang kalokohan ginawa mo at ganyan sila makatingin sayo?"
Nagkibit balikat lang ako dito at hindi na ininda ang tingin ng mga tao. Umupo na kami ni Blair at nagpresinta siyang umorder ng pagkain namin kaya naiwan akong mag-isa sa table namin.
"Gosh naman! Did she isip that siya ay super maganda? Like duh! Mas pretty kaya ako to her! She lakas loob magtimer!"
"Oo nga girl! Akala mo kung sinong maganda! Mukha naman siyang paa! Sa gwapong yun ni Sir nagawa niya pang lokohin? Ang kapal-kapal naman talaga ng mukha niya palibhasa gold digger!"
Bahagya akong napasulyap sa likod ko at nakakita ng isang hipon at isang hippopotamus. Kailangan bang magkwentuhan ng ganun kalakas? Rinig na kaya ng buong bayan yung boses nila! Kairita.
"I bet na she maluwag na. Ang landi-landi ng girl na yun! She bigay her katawan din siguro to have pera!" Maarteng sabi nung hipon.
Gosh! Bakit ganun siya magsalita? Sure ba siyang tao siya? Hindi ko na nga maintindihan masyado. Nasobrahan yung pagkaconyo.
"Tapos alam mo ba? Sa sobrang kapal ng mukha niya may lakas pa siya ng loob na ipakita yung mukha niya dito! Biruin mo girl! Ni hindi na nahiya! Sitting pretty pa dito ngayon. Kung ako sakanya aalis na ko kasi baka mamaya kuyugin na siya," sabay tawa nung hippopotamus.
BINABASA MO ANG
Her Debt
General FictionTo be with her. To take care of her. To give her chocolates everyday. To cherish her. To treat her as a queen. To make her happy. To make her feel loved. He will do everything to make sure that she is happy. To put justice on his own hand. To ab...