PAYMENT 28

2.9K 49 4
                                    

I look at myself now. Wearing a black cocktail dress and a pair of stilleto. My auburn hair is a little messy and my face have a light make up.

Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ng walong taon... makikita ko na ulit sila. Ang mga taong tinuring kong kaibigan. Ang mga taong nambintang saakin.

Ibang-ibang Mindy na ngayon ang makakaharap nila. Ibang-iba sa dating ako.

"You're so beautiful, love."

Nakipagtitigan ako dito sa salamin at bahagyang ngumiti. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa bewang ko at lalong siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Tara na? Late na yata tayo," saad ko.

Napatingin ako sa oras at tama nga ako, malalate kami ng dating. He kissed my cheeks before letting me go. "Alright."

Wala naman akong dapat ikakaba diba? It's just them at isa pa, nakita ko na naman si Pia. That innocent looking bitch.

"Ready, love?" Nagkakatitigan kami.

Ngumiti ako dito at pinisil ang kamay niya. "Let's go."

Magkahawak kamay kaming pumasok sa isang restaurant. Nirentahan na namin ang buong lugar. The ambiance is nice and relaxing. Nakakawala ng stress at pagod pero yung kikitain namin yung nakakastress.

Makikipagplastikan lang naman ako sakanila tutal ganun din naman gagawin nila, sigurado. Lalo na yung Pia'ng yun.

Hinatid kami sa isang lamesa. Apat na babae at tatlong lalaki. Ayun ang nakita ko sa table na pupuntahan namin.

Napalingon sila sa banda namin kaya nahigpitan ko ang kapit sa kamay ni Kaine.

Napaiwas ako ng tingin sa isang pares ng matang matamang nakatingin saakin. Those eyes that still have that unreadable expression.

No one dares to talk hanggang sa makaupo na kami. That guy with unreadable expression is just infront of me. Nakatitig pa rin ito sakin.

Tumikhim yung isang babaeng nakatirintas yung buhok. "So nandito na pala tayong lahat."

"Lahat? Kulang tayo ng dalawa tapos may isang mukhang naliligaw ata," mataray na sabi nung innocent looking bitch na nasa tabi ngayon ni Gray at masama ang tingin saakin.

Ngumiti ako dito ng plastik. "Really? Nasan ba yung naliligaw? Paalisin mo kaya."

Pumalatak ito. "Mukhang linta kasi siyang nakakapit sa kaibigan namin kaya mahirap paalisin."

"Really?" Nangalumbaba ako sa harap nito at inalis ang magkahawak naming kamay ni Kaine. "Meron naman yata ditong inggitera. Diba kasama sa seven deadly sins yung inggit? Baka maalis niya yung linta sa sobrang pagkainggitera niya."

Ngumiti ako lalo ng makita kong umuusok na ang iling nito.

"Ano ba? Mag-aaway na lang ba kayo?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Kate. "Nandito tayo ngayon lahat para magkapatawaran na."

Nakita kong sumulyap ito sakin kaya tinaasan ko 'to ng kilay. "Patawad? Alam mo bang walang kapatawaran yung ginawa ng babaeng yan!?" Eskandalosa na saad ni Pia.

Tinignan ko si Kaine na matamang nakatingin saakin. Bahagya akong ngumuso dito. "Inaaway ako nung babaeng yun," mahinang bulong ko dito.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon