CHAPTER 3: TABLOIDS

73 7 0
                                    

RAYVER SHAWN's POV:

Narito ako ngayon sa VIP waiting room na nakalaan talaga para sa akin. Nag hihintay na simulan ang programa na ako napiling ibida.

Nag lakad ako papasok sa wash room. Nakaka inip, nakaka bagot, at nakaka pagod ang ganito.

"Shawn? Okay ka lang ba?" rinig kong tanong ni Ricky mula sa labas.

Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Tinititigan lang ang sariling repleksyon sa salamin.

'Laging naka kunot ang noo at nakasimangot.'


Tatlong katok mula sa pinto ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Pero hindi sa pinto ng washroom kung hindi sa main door ng waiting room.

"Let's go up in 10 minutes. Come on!" rinig kong sabi ng lalakeng staff.

Hindi ko na yun pinansin at tinitigan pa ng pang huling beses ang repleksyon ko.

'Gusto ko nang magpahinga.'

Lumabas ako ng wash room at agad naman akong nilapitan ni Jennifer para i-retouch. Siya ang make-up artist ko.

'Kahit lalaki ako, kinakailangan parin daw ng make up-artist.'


Silang dalawa ang madalas kong kasama lalo na pag may projects, meet and greet at kapag nag-gi-guest ako sa mga TV programs tulad ngayon. Mas prefer ko silang kasama kesa sa manager ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng waiting room, kasunod ko naman sila Ricky at Jennifer.



"We love you Shawn!"


"We love you Shawn!"


"We love you Shawn!"


"We love you Shawn!"


"We love you Shawn!"


"We love you Shawn!"


Rinig kong sigaw ng mga tao na kadalasan ay mga babae sabay wagayway ng tarpaulin, cards, pamaypay at light sticks na dala nila.

Pansin ko rin ang dominant na iwinawagayway nila, parang laruan na wand. Maiksi lang ito at sa dulo ay hugis bituin at umiilaw pa.

Lumabas na ako mula sa backstage. At doon, lalong lumakas ang hiyawan at cheer ng mga manonood.


"Kyaaaah! Rayver! Aylaaabyuuuuu!"

"Marry me Mr. Santos!"


"Ang gwapo gwapo mo Rayver!"


"My prince Shawn!"

"Rayver Santos! Kyaaah!"


"We love you Shawn! You're always be our number one author!"


Tumungo na ako sa designated seat para sa akin. Kasama ko rin ang mga authors at ambassador ng wattpad world. Sa harap ko ay ang mga hindi magkamayaw na mga fans, may nanggigigil, kinikilig at hinahampas pa ng libro yung kasama. Seriously?







GRIM REAPER's POV:

Kasalukuyan kaming nasa ospital, nagpapahinga at kumakain sa lapag. Walang naglalakas loob na istorbohin kami, takot lang nila!

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon