CHAPTER 4: SAM SUNG

81 7 1
                                    

Mabilis kong pinadyak ang pedal ng bike. Papunta ako ngayon sa building ng BTS network.

Sana makahabol pa ako!

-

-

-

-

-

-

"We love Rayver Shawn!"


"We love Rayver Shawn!"


"We love Rayver Shawn!"


"We love Rayver Shawn!"


"We love Rayver Shawn!"


"Will you marry me Shawn?!"


"Noooo! Akin ka lang Rayver Shawn! Papakasalan mo ako o papakasalan kita! Kyaaaah!"


"I'm inlove with the shape of you Mr. Santos!"


"Yiiieee, ang gwapo-gwapo mo Shawn!"



Iilan lang yan sa mga tili at hiyaw ng mga babae na naririnig ko.


Sobrang sikat na talaga ng baby Rayver ko.

Mabilis kong ipinarada ang bike sa mga hilera ng iba't-ibang uri ng kotse.

"Hoy! Dito!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Ang bestfriend ko, si Sam Sung.

Si Sam Sung ang nag-iisang bestfriend ko. Naging bestfriend ko siya simula noong mamatay ako.

Hindi siya grim reaper tulad ko. Isa siyang white lady. Oo! White lady.

Napabayaan rin ang kaluluwa niya tulad ko. Kaya heto siya ngayon, naka-stuck sa mundo ng mga tao at walang ginawa kung hindi magpa laboy laboy kahit saan.

Pinipilit ko siyang magpasundo na, pero ayaw niya. Anong magagawa ko? Atsaka nagtataka kayo kung bakit siya may pangalan at ako wala? Tch!

'Ambisyosa kase.'





F L A S H B A C K …

"E-excuse me." rinig kong sabi ng isang matinis na boses.

'Busy ako sa pagwa-washing ng bike, wag ngayon.'

Pero dahil maganda ako, *nung konek!?* nilingon ko ito para tingnan kung kanino galing ang boses.

"Aaaahhhh! Babaeng espasol!" gulat kong sambit habang bahagya pang nakahawak sa dibdib.

WHITE LADY!?

Malapit pa akong mapatalon sa sobrang gulat! Ang puti puti niya kasi... tapos ang haba pa nang buhok niya hanggang beywang, pati rin yung damit niya... kulay puti. Nanlilisik rin yung mga mata niya!

"A-aahh, eh... H-haha!? M-magpa pasundo ka b-ba?" tanong ko.

"Hindeee! Nooo! Ayoko..." naka nguso niyang sigaw.

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon