CHAPTER 5: RAYVER SHAWN SANTOS

60 6 0
                                    

RAYVER SHAWN'S POV:

Dinig ko ang sigawan ng aking mga taga-hanga. Pero wala man lang akong maintindihan ni isang salita.

Dali-dali akong sumakay ng kotse at isinandal agad ang ulo. Nakakapagod!

Kinuha ko ang alcohol sa bag at naglagay sa buong kamay. Pabagsak ko itong inilapag sa tabi. Nakakasawa ang ganitong buhay. Paulit-ulit na lang!

Marami pang TV shows ang kinukuha ako para mag guest, nakakapagod!

"Tingnan mo'to!? Ang bilis matapalan ng libro mo laban sa libro ng ibang authors! Hindi naman ganito dati diba?!" panimulang buyayaw ni Darryl Lim. Ang manager ko. "Ano bang sabi ko sayo?! Ayaw ng mga kabataan ngayon sa koplikadong storya. Hindi naman kasi sila makakarelate sa estoryang ginawa mo eh!" inis niya paring sigaw! "Shawn, sa susunod... gumawa ka ng kwento na makakarelate lahat! Naiintindihan mo!? Subukan mong i-search sa internet ang pangalan mo nang maintindihan mo ang sinasabi ko. Itong batang 'to!" dagdag niya pa na tila nauubusan ng pasensya!

Nakakasawa!

Hinila ko ang bag at kinuha doon ang earphone at cellphone. Isinalampak ko ito sa tainga at full volume na pinatugtog ang kanta. Saka ipinikit ang mga mata at ninamnam ang sandaling wala akong naririnig kung hindi ang nakakabinging liriko na hindi ko maintindihan dahil nilalamon ako ng pag-iisip.

"Naku, manager. Paniguradong hindi niyo mapipilit na gumawa ng romantic story yang si Shawn."

"Tch! Tingnan mo nga. Kahit sana minsan lang, maging ideal boyfriend 'tong si Shawn. Gayahin niya yung ibang mga author dyan. Ginagamit ang mukha para humakot ng fans at tagahanga! Para-paraan lang yan Ricky!" alam kong nag-uusap silang dalawa, si manager Darryl at Ricky. Pero hindi ko marinig at wala akong balak na pakinggan. Kahit naka pikit ay ramdam ko ang bawat kilos nila.

"Ideal boyfriend naman po si Shawn. Di niyo lang naa- appreciate kasi hindi naman kayo babae."

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon