CHAPTER 10: MISTAKEN

23 5 0
                                    

GRIM REAPER'S POV:

"Ssshhhaaawwnn!"

Kasabay ng malakas kong sigaw ay ang pagtulak ko kay Shawn.

Hindi ko alam kung maa-amaze ako o kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Nag-aalala, oo. Natatakot, oo. Masaya, oo.

Naging matagumpay ang pagtulak ko kay Shawn. Ngayon, ako na ang nasa puwesto niya.

Napapikit ako sa kadahilanang parating na ang rumaragasang truck!

Agad akong napadilat. Okay ako, tulad ng inaasahan. Nilagpasan lang ako ng truck na parang hangin. Mabigat na hininga ang aking pinakawalan. Okay lang kaya si baby Rayver?

Pero ang inaalala ko ay yung driver ng truck. Sigurado akong siya ang nag buwis ng buhay dahil sa kagagawan ko.

Nabangga ang minamaneho niya sa poste, ni hindi ko man lang magawang tingnan siya.

Alam kong labag sa batas namin ang ginawa ko, ang pagsugal ng ibang buhay para iligtas ang isa pa. Tsk! Sobrang mali! At kapag nagkataon, malagim na parusa ang magiging kabayaran nito! Mapupunta ang sino mang nagkasala sa impyerno, ang isinusumpang lugar ng lahat. Walang may gustong mapunta doon dahil pulos pasakit at paghihirap lang ang mapapala mo. Nakakatakot!

Hindi ko magawang lumapit kay Shawn na ngayon ay nasa gilid na ng kalsada, kasama si Max. Nakaupo at tulad ko, gulat rin sa mga pangyayari.

Hindi niya inaasahan ang mga nangyari, after all... tao parin siya. Hindi niya alam na nag-eexist kaming mga grim reapers, mga multo, at kaluluwa.

Natigilan ako sa pag-iisip ng makita ang paparating na itim na kotse. Ang pamilyar na kotseng ito at ang nagmamaneho ay walang iba kung hindi si Arvin!

Sigurado akong abot tainga na naman ang ngiti nitong mokong na 'to. Inaasahan ng lahat na si Shawn ang susunduin niya ngayong gabi. Pero dahil sa kabaliwan ko. . . magiging mali ang akala nila. Awtomatik ring magkakagulo ang mga VIP sa kataas-taasan at lahat ng yun ay dahil lang sa kabaliwan ko!

Tsk! Sigurado akong kapag nalaman nila na ako ang dahilan ng kapalpakan na patungkol sa kamatayan ni Shawn ay paparusahan ako. Waaaah! Siguradong patay na naman ako kay manager Rex! Wag kayong maging literal, oo patay na ako. Pero baka ma-double dead pa ang maging labas sa ginawa ko! Pesteng buhay! Oo na, patay na nga diba?! Pesteng patay na buhay 'to!





ARVIN'S POV:

"Ano kamo?! M-maling tao!? Paano nangyari yun?!" umalingawngaw ang malakas na tinig ni Manager Rex sa apat na sulok ng opisina. Naka upo siya sa swivel chair habang mesa lang ang pagitan namin sa isa't-isa.

Kausap niya ang mga VIP sa kataas-taasan dahil sa kapalpakan ko na ngayon lang nangyari sa tatlong taon kong pagiging grim reaper.

Halos sumakit ang aking leeg kayuyuko dahil sa kahihiyan. Hindi ko siya magawang tingnan ng diretso. Nakakahiyang ngayon pa ako pumalya kung kailan ang lakas na ng tiwala niyang magagawa ko ng maayos ang trabaho ko.

"I know you're disappointed and we asked forgiveness for that." tinapunan niya ako ng matalim na tingin na agad kong iniwasang salubungin.

"Opo, naiintindihan ko."

"Ngayong taon? Oo naman, alam kong kailangan niyo siya."

"Ginagawa na po namin ang lahat ng makakaya namin."

"Okay-okay. It will never happened again. Bye." yun lang at pabagsak na ibinaba ni manager ang telepono.

Marahas siyang tumayo at inihampas ang dalawang kamay sa mesa. Diretsong nakatingin sa akin at nag uumpugan na ang kilay sa sobrang kunot.

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon