CHAPTER 30: BOOK SIGNING EVENT

4 0 0
                                    

KYLA'S POV:

Tatlong taon na ang lumipas. Hindi parin ako makapaniwalang tumagal ako ng tatlong taon! Akala ko ay tuluyan na akong mabubura sa mundo pagkatapos ng mga nangyari noon.

Madalas parin akong inaantok, mas malala na ngayon kung ikukumpara noon.


"Mommy!" agad akong napalingon sa pinagmulan ng matinis na boses.

Running towards me, giggling while his father is after him.

Napangiti ako nang makita ang bunga  ng pagmamahalan namin ni baby Rayver.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.

His name is Kyle, he is already 2 years old and he's my seventh wish.

Find the purpose of my life.

I thought being a writer would fulfill my seventh wish. Ang hirap pangunahan ni tadhana, napaka-komplikado.

"You ready?" tanong sa akin ni baby Rayver or should I say ng asawa ko.

Araw-araw parin akong kinikilig! Dating fangirl lang naman ako pero ngayon, asawa ko na ang dating pinapangarap ko.

Gulat na gulat ang mga fangirls ni baby Rayver nang malaman nila ang patungkol sa aming dalawa.

Syempre hindi ako nakalusot sa pangba-bash nila lalo na't nagsusulat na ako. Halos hate comments ang natatanggap ng story ko dahil sa nangyari.

Hmp! Ang bad nila pero dahil maganda ako na medyo mabait, hinayaan ko na lang sila sa mga ginagawa nila.

Wala rin namang mangyayari kapag pinatulan ko pa at bawal kaya mastress ang buntis that time. Mabuti na lang at nandyan si baby Rayver sa tabi ko.

"Kinakabahan ako." I told him.

Binuhat niya si baby Kyle at binigyan ito ng halik sa pisnge.

"Don't worry. You'll be fine." he gave me a kiss on my forehead.

"Mommy! Me too!" napangiti ako sa kakulitan ng aking anak. Lumapit ako sa kanya at agad niyang inilapat ang maliit na labi sa aking noo.

Today is going to be one of the best days in my life!

Tatlong taon ang iginugol ko sa pagsusulat at sa wakas ay nabigyan din ako nang pagkakataon para ilathala ang aking gawa.

Hindi rin tumigil sa pagsusulat si baby Rayver. Akala ko mawawalan siya ng career kapag nalaman nila ang tungkol sa amin pero mas dumami pa ang mga sumusuporta sa kaniya.

Marami ang nag-aalok sa kanya ng bagong projects at alam kong sa susunod pang taon, pati ibang bansa ay makaka-basa na rin ng gawa niya.

I looked at my wrist. Sana sa panahong yun ay nasa tabi niya parin ako.

Nag-iisang puso na lang ang makikita sa aking braso. Hindi ko alam kung saan at kailan, pero sa tinagal-tagal ng panahon alam kong naghilom na ang sugat sa aking puso.

Napatawad ko na sila maski ang sarili ko.

"Hindi ka ba naiinitan dahil sa suot mo?" baby Rayver asked me. His eyes on the road.

Nakasuot ako ng puting long sleeves turtle neck, hand gloves at black jeans. Naka-lugay rin ang mahaba kong buhok.

"Nah. Medyo nasanay na rin ako sa ganitong outfit."

Simula nang mabura ang isa pang hugis puso sa aking braso ay  nagsimula nang maging transparent ibang parte ng aking katawan.

Noong una ay natatakot ako. Paano kung bigla bigla nalang maging transparent ang buong katawan ko?! Anong mangyayari sa aking mag-ama?

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon