CHAPTER 15: LIFE OF A HUMAN BEING

22 3 0
                                    

Maaga akong nagising, bagong araw na naman para iligtas si baby Rayver!

Nag-ayos muna ako ng sarili saka bumaba. Agad akong sinalubong ng nakakatakam na amoy ng pagkain.

"Oh? Hija, tamang-tama at nakapag luto na ako. Tara na't kumain na tayo." salubong sa akin ng ginang habang bitbit ang plato na naglalaman ng bacon.

Sinuklian ko naman siya ng ngiti. Teka? Hindi ba namin hihintayin si nurse Vincent kumain?

"Madilim pa lang ay umalis na siya hija. Ganun talaga siguro kapag nagsisilbi sa publiko." makahulugang pahayag ng ginang saka ngumiti. Napansin niya siguro na hinahanap ko si nurse Vincent.

Madaling natapos ang agahan namin. Tahimik lang ako, habang nag kukwento naman paminsan-minsan ang ginang. Hindi ko na inabala pang alamin ang pangalan niya. Agad akong nag paalam na aalis at may pupuntahan. Binilin niya na bumalik raw ako at baka hanapin ako ni Vincent. Agad naman akong tumango bilang sagot.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

"Ano nga bang meron ngayon?" tanong ko sa sarili. Noong grim reaper pa ako ay alam ko na ang mga gagawin at schedule ni baby Rayver. Ang hirap din palang maging tao ulit. Lalo na't nasa block list na ako ng baby ko.

Nag tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hinayaan ko ang sariling paa na dalhin ako kung saan.

"Sam!?" bulalas ko nang makita si Sam na papasok sa isang cafe.

Tama! Hindi ko pa siya nakikita at nakaka usap simula ng maging tao ako.

Su-surprisahin ko siya!

Dahan-dahan akong pumasok ng cafe. Ang tahimik, sobrang tahimik! Sabagay, masyado pang maaga, halos wala nga silang customer.

Naagaw ng atensyon ko ang kanina pang kumu-kuhit sa likod ko.

"Sam?!"

"Miss me?" makahulugan niyang sabi habang may mapaglarong ngiti sa labi. Bahagya pang nakataas ang kaliwang kilay nito.

"Teka!? Nakita kitang pumasok... ba't nasa likod na kita?" hindi ko mapigilang mag tanong.

"Tsk! Naging tao ka na't lahat. Tanga parin?! Literal na multo ako, remember? Kaya kong lusutan kahit ano. You know." rason niya habang iniikot ikot ang daliri sa dulo ng buhok nito. Pero teka? Nakikita ko parin siya kahit ganap na akong tao.

"Pasensya na."

"Oh? Anong drama na naman yan?"

"Kasi naiwan kita. Heto ako ngayon, tao. Habang ikaw, multo parin." nalulungkot ako. Ngayon ko lang naisip na may maiiwan pala akong importanteng tao dahil lang sa personal kong kagustuhan.

Pinahid niya naman ang aking luha gamit ang hinlalaking daliri. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "Ano ka ba... ayos lang yun ano. Atsaka, okay na ako sa pagiging isang white lady. Wala rin naman akong magagawa kung yan ang gusto mo. Basta, andito lang ako para bantayan at suportahan ka." lalo akong naiyak sa sinabi niya. "Y-yah! Ano ka ba. Ang tanda tanda mo na, daig mo pa ang bata kung umiyak."

"E-eh kasi n-naman... nagi-guilty a-ako...."

"Wala ka namang dapat ika-guilty. Basta, supporn kita sa laban mo."

"A-anong supporn k-ka dyan!" sigaw ko sa kanya.

"Hahaha! Pinapatawa lang kita. Basta, support lang kita. Okay?"

"T-thank you Sam!" mahigpit niya akong niyakap at ginantihan ko naman ito. Nakakabilib lang kasi kayang kaya naming hawakan ang isa't isa! Ganoon ba talaga yun kapag may karanasan ka sa pagiging multo?

"Ano!? Bad shot ka na agad kay papa Shawn?!" pasigaw niyang tanong.

Matik ko namang tinakpan ng kamay ang magkabila kong tainga. Kanina pa niya ako padarag na kinakausap. Halos lahat ng kwento ko ay ikinabibigla niya. Tapos mag-tatanong ng mga may obvious ng sagot. Abnormal talaga!

"Eh paano na yan? Paano ka pa makakalapit kay papa Shawn kung nasa blacklist ka na niya?"

"Hindi ko nga alam ang gagawin. Paano ko siya maliligtas kung hindi man lang ako makalapit sa kanya."

"Alam mo ba kung anong meron ngayon?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam. "Hindi eh." mahina kong sagot.

"ANO!?" ayan na naman yung O.A niyang reaksyon. "May meet and greet siya sa mga fans niya. Pero hindi sa mall."

"H-ha? Saan?"

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

"Rayver Shawn Santos' volunteer work with fans." basa ko sa parihabang tarpaulin. Anong kabaliwan 'to?

"Tara na!" anyaya sa akin ni Sam. Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako at nakisali sa nag kukumpulang mga tao na busy'ng busy sa kanya-kanyang ginagawa. Agad na hinanap ng aking mata si baby Rayver.

Ang layo niya mula sa pwesto ko. Hindi rin ako makalapit dahil sa dami ng tao.

"Woi! Malapit ng umalis si papa Shawn. Nakita ko sa schedule niya na 30 minutes lang ang itatagal niya rito. Eh, late na tayong dumating. Malamang paalis na rin sila." babala ni Sam habang may dala-dalang trash bin.

5 minutes na lang ang natitura l!? 5 minutes bago mamatay si Shawn!

"Excuse! Excuse me!" nakisiksik na ako sa nag kukumpulang mga tao para marating ang dulo kung nasaan si Shawn.

"Teka! Teka! Saan ka pupunta?" tanong ni Sam na nasa likuran ko na.

"Paalis na siya! Mamamatay siya after 5 minutes!"

"Ano!?" tulad ko ay priceless din ang naging reaksyon niya. Bakas din ang pag-aalala nito. Agad niyang binitawan ang trash bin at sumunod sa akin.

Nasa kalagitnaan kami ng grupo ng mga tao nang makita kong pasakay na ng van si Shawn!

'Masama ito!'

"Tch! Paalis na sila." padabog akong napa-upo sa malamig na simento. Hindi namin siya naabutan!

"Kaya mong magmaneho ng bisikleta di'ba?" naka ngiting pahayag ni Sam habang may mapaglarong ngiti sa mga labi.

Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa kanya. Wala na akong choice.

Palihim naming kinuha ang bisikleta na naka stand by sa gilid ng daan. Nang nasa malayo na kami ay agad akong sumakay at ipinadyak ang pedal nito. Nasa likod ko naman si Sam, mahigpit ang kapit.

Three minutes!? Ang bilis ng oras!

* * *

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon