CHAPTER 20: KYLA CORTEZ

38 4 0
                                    

GRIM REAPER'S POV:

Maaga akong nagising at naligo. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kakaisip sa date namin ng baby Rayver ko.

Hindi yan date. H'wag assuming!

Ano ba 'yan!? Pati konsensya ko, bitter? Kontrabida besh? Pwedeng maging masaya ka na nalang para sa sarili natin?! Ugh! Nababaliw na ata ako, pati sarili kinakausap ko na!

Muli kong pinagmasdan ang kabuuan sa harap ng salamin. Naka all white ang lola niyo. Hindi ko na rin suot ang makakapal na salamin, 'di raw bagay sa suot ko ngayon.
Dito parin ako naninirahan sa bahay nila nurse Vincent. Nakakahiya man, pero wala akong magawa. Ayokong hulihin ulit ng mga salbahing police.

Bumaba ako sa kusina para mag-almusal at doon ko naabutan ang mommy ni nurse Vincent na nag hahanda ng agahan.

"Oh? Saan ang punta natin?" naka ngiting tanong ng ginang.

"May date po ako. Hihihi! Hindi ko alam kung saan po ang punta niyo mommy ni nurse Vincent?" ako lang ang may pupuntahan, ba't tinatanong niya na kasama siya? Nonono! May date rin siguro?

Agad siyang natawa sa sinabi ko. Hello joke? Hello? Hindi ako nag biro pero ba't siya tumatawa. Naku! Nurse Vincent, ipatingin mo na'tong mommy mo. May tama na ata!

"Tita Ema na lang. Masyadong mahaba ang mommy ni nurse Vincent. Oh siya, tara na't sabay na tayong kumain.

"Sige po." sinabayan ko siyang kumain ng agahan. Nakakahiya namang tanggihan ang grasya, siya na yung lumalapit. Kilala niyo ba si grasya? H'wag na huwag niyo siyang tanggihan ha.

Matapos naming mag-agahan ay nag paalam na akong umalis. Baka ako pang pahugasin niya ng plato. Sayang ang OOTD kung panghugas outfit lang pala 'to.

Agad akong dumiretso sa shop. Doon niya raw ako susunduin. Ang sweet di 'ba?

Di ko mapigilang mapangiti nang matanaw ko sa di kalayuan ang kotse ni baby Rayver. Nagpapahalata ka naman baby ko ih! Hamakin mo, 20 minutes late palang siya. Excited much?! Late na nga eh! Huhuhu!

Pabagal ng pabagal ang takbo nito hanggang sa huminto ang kotse sa mismong harap ko. Awtomatik na bumaba ang tinted glass window at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni baby Rayver. Nakasun glass man siya ay hindi parin mapagkakaila ang taglay niyang kagwapuhan. Ang matangos niyang ilong, mapupulang labi at kanyang pisnge. Hay! Hindi ako mag sasawang ma-inlove ng paulit-ulit basta ba't si baby Rayver lang.

Suminyas siya na pumasok na ng kotse kaya agad akong kumilos. Binagalan ko nga ang pagkilos, hindi niya ba ako pagbubuksan ng pinto? Marami-rami pa naman akong bitbit. Dinala ko kasi yung ilan sa mga pinamili ko kahapon.

Gentleman naman si baby Rayver, baka tinamad lang kaya hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Tama! Ganoon nga 'yun!

Tahimik! Sobraaang tahimik ng byahe! Hindi niya ba ako kakausapin? Tatanungin kung kamusta ako? Kung maayos ang tulog ko kagabi? Kung kumain na ba ako?! Kung... kung... kung ... kungkungkungkung pakitong kitong! Choos! Kung sana ay may pake-alam siya. Huhuhu!

Nag pakawala ako ng malalim na hininga. Ikamamatay ko ata kapag hindi ako nagsalita. Mahigit two minutes na rin nung mag simula ang byahe. Nakakamatay tuloy ang katahimikan! Kaya ako na ang mag paparaya, total sanay naman na ako!

"B-baby-- A-ah! Shawn, may binili pala ako kahapon. Gusto mo?" alok ko sa kanya.

"What's that?" sagot niya ng hindi inaalis ang paningin sa daan.

"Pagkain, bibingka." kaswal kong sagot.

"Bibi--- what? Forget it. I'm not interested. Kahapon mo pa binili di 'ba? Edi panis na yan. Tsk! Baka magkasakit pa ako." pahina ng pahina niyang sabi. Pero dahil maganda ako, at medyo binge ng kaunti ay rinig na rinig ko yung pagbubunganga niya. Hm! 'Kala mo kung gwapo.

Oo na! Gwapo na. Sasabat ka pang konsensya eh. Keye nge mehel debe? Masaya ka na?! Leche!

Ibinalik ko na lang ang bibingka sa paper bag. Ayaw niya daw eh, sayang! Hindi rin naman sana ako bibili nito, naawa lang talaga ako doon sa aleng uugod-ugod sa mall dala ang basket ng bibingka, sosyal din 'tong si Ale, sa mall naglalako. Kwento niya, nung nakaraang araw niya pa raw inilalako 'tong bibingka pero walang gustong bumili dagdag niya pa, masarap daw ang bibingka lalo pa't specialty niya 'to. At dahil maganda ako at medyo mabait at slight na pagkauto-uto, binili ko lahat. Binigyan ko rin si tita Ema at kinain niya naman, medyo maasim-asim nga lang daw yung lasa. Ibang-iba sa nakasanayan niya. Kakaibabe talaga si Ale.
Pansin ko lang, ano 'tong tumubo sa bibingka? Kulay orange na medyo greenish. Wala pa 'to kagabi eh. Magic ba'to ng bibingka?! Epekto ng magic sarap ni Ai-ai at Kim Chui? Choos!

"Eh ito?" inilabas ko sa isang paper bag ang biniling lampshade. Hindi siya literal na lampshade, parang laruan lang ito pero ang ganda ng epekto sa dilim. Ipinapakita nito ang hitsura ng universe gamit ang mga disenyo ng ilaw. "Takot ka sa dilim di 'ba? Kaya binilhan kita nito."

Hindi siya sumagot, sa halip ay may kinuha siya sa bulsa na kung ano at ibinigay sa akin. Nang abutin ito, saka ko lang nalaman na cellphone pala.

"Marami naman akong pera. Hihihi! Hindi mo na kailangang ibigay 'tong cellphone mo. Pero salamat ah. Bawal nga palang tanggihan si grasya."

"What's your name by the way?" matik na namilog ang mga mata ko.

Oh.my.ghost! Ano raw ang pangalan ko!? Wala. Peste! Wala nga pala akong pangalan. Salamat sa sagot konsensya ha!

"Hey." wait lang naman baby Rayver. 'Wag kang hot please.

Pangalan! Name! Pangalan! Name! Pangalan! Name! Teka!? Biglang nag flashback sa akin yung credit card na may pangalan nung matandang mayaman madaling namatay, Joke! Si lola na choosy at ayaw magpasundo sa akin.

"Are you liste---."

"Kyla. Kyla Cortez." Hindi lang maganda, matalino rin ang lola niyo! Yes! Sa wakas, may pangalan na ako!

'Pahiram muna ng pangalan lola! Kahit isang gabi lang, choos!'

"Okay, Kyla, what do you usually do on a date?"

"H-haa? Date? Wala eh. Hindi ko alam. Hindi ko pa kasi nasusubukan." nahihiya kong sagot. "Ewan ko lang nung nabubuhay pa ako." bulong ko.

"What?"

"What?!" pabalik kong tanong sa kanya. "'Wag mong sabihing date 'tong gagawin natin?!" naitakip ni baby Rayver ang kanan niyang kamay sa tainga. Paano ba naman, napalakas ata yung sigaw ko sa sobrang pagkabigla.

"Yes, it's a date." kaswal niyang sagot saka ako nilingon!

"Siguradong maraming magagalit na fangirls mo kapag nalaman nilang may dine-date ka na."

"So ayaw mo? Pwede ka ng bumaba ng kotse ko."

"Gusto! Gustong gusto!" remember Kyla, bawal tanggihan si grasya. "May alam akong madalas pinupuntahan ng mga couples."

"Where?"

"Sa amusement park. 'Yun kasi ang madalas na napapanood ko sa mga teleserye."

"No. I don't like that idea." tanggi niya.

"Natatakot ka ba sa mga rides?"

"No!" depensa niya. Maka react naman 'tong baby Rayver ko, parang bakla. Joke lang! Wag kayong ano.

So ika-career ko na 'tong date namin! Excited na ako! Pembarya baby Rayver, choos! Todo na talaga 'to!

* * *

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon