CHAPTER 9: 7 LAST WISHES

29 5 0
                                    

RAYVER SHAWN'S POV:

Nagising ako dahil tawag mula sa cellphone!

Sino na naman bang tatawag ng ganito kaaga?!

"Damn!" mahina kong bulong ng mapagtantong si Manager na naman.

Sinagot ko ito pero hindi muna nag salita.

"Hello Shawn?" ani sa kabilang linya.

"Hello."

"Nasaan ka na ba? Alas syete na ng umaga, oh! Hindi mo na naman sinusunod yung daily exercise mo!" pangaral nito sa kabilang linya.

Napatingin naman ako sa orasan ng side table. Alas syete na nga ng umaga, ni hindi man lang ako nagising ng alarm clock. Ganun ba kalakas ang epekto ng peels?

"Hello? Shawn!? Andyan ka pa ba? Hel--." hindi ko na siya pinatapos ang sasabihin niya at agad na lang ibinaba ang linya. Mangangaral na naman siya.

"Nagugutom ako."




GRIM REAPER'S POV:

"Wala siya dito Sam, kanina pa ako nag babantay oh." naiinip kong sabi kay Sam sa kabilang linya. "Bilisan mo dyan at sumunod ka na lang dito. Nag aalala na ako kay baby Rayver." hindi ko na siya hinintay pang sumagot at ibinaba ko na ang telepono.

Dahil dala ko rin naman ang service bike ay nagmadali akong nag maneho patungo sa bahay ni baby Rayver.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Dire-diretso lang ang pasok ko sa kwarto niya, pero bigo akong makita siya.

"Dressing room!" bigla kong sambit. At dahil tama ang ghost instinct ko, naabutan ko si baby Rayver na kumakain ng...


"Instant noodles?! Chocolates!? At softdrinks?!" wala sa sariling tanong ko.

Kasama niya si Ricky at Jennifer na nanonood lang sa ginagawa niya.

"Hindi, mali ito eh! Baby Rayver naman!? Bakit ka kumakain ng ganyan?" tanong ko.

Pero dahil alam kong kahit gumamit ako ng microphone ay hindi niya parin ako maririnig, bigo akong makakuha ng sagot.

Nang matapos niyang simutin ang cup noodles ay nilantakan niya naman ang Ferrero Rocher at sofdrinks.

"By the way Ricky, yung tungkol sa mga online haters ko, isingit mo sila sa schedule ko at gagawa ako ng activity kasama sila... tulad ng volunter work or feeding program." ani baby Rayver sa gitna ng kanyang pagkain ng tsokolate.

"Sige-sige. Ako nang bahala." sagot naman ni Ricky ng walang pag-aalinlangan.

"Salamat."

"OH. MY. GHOST!"

Pati rin sina Ricky at Jennifer ay halatang nagulat rin.

Talagang mahihimalaan ka kapag nag pasalamat sa'yo ang isang Rayver Shawn Santos!

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon