CHAPTER 6: FIRST ENCOUNTER

47 7 0
                                    

RAYVER SHAWN'S POV:

"Kinukulit na naman ako ni manager." sagot ko sa kabilang linya. Kausap ko nga pala si Ricky.

"Hayaan mo na lang siya. Teka nga. Alam mo ba ang daan pauwi ng condo unit mo? Mag-isa ka pa naman." aniya. Hindi na ako nag abalang sumagot pa at pinutol na ang linya.

Simula ng makababa ng bus ay wala na akong ibang ginawa kung hindi ang maglakad ng maglakad.

Sa totoo lang ay hindi ko masyado kabisado ang daang tinatahak ko. Nasanay ako na laging nakasakay sa kotse at van na minamaneho naman ni Ricky.

Badtrip!

Ibinulsa ko ang cellphone at nag lakad ulit. Dire-diretso lang ang lakad ko, ang daming dapat likuan pero hindi ako nag dadalawang isip na mag-iba ng daan kahit alam ko na wala akong alam ni isa sa mga tinatahak ko!

Naka rating ako kung saan kailangan kong pumili ng lilikuan! Ano ba 'tong lugar na 'to?! Parang walang katapusan!

Lumingon pa ako ng paulit-ulit sa aking kaliwa at kanan. Pero sa huli ay dumiretso ako sa daan kung saan ako nakaharap, kanan!

Nasaan na ba kasi ang mga tao dito!? Nagmimistulang ghost town itong lugar. Ni wala man lang akong makitang nag lalakad na tao bukod sa akin! Badtrip!

Hinubad ko ang black coat at mask. Tagaktak na ang pawis at sobrang init na ng aking pakiramdam.

Nang marating ko ang dulo ng daan ay lalong kumunot ang aking noo at tila magdidikit na ang mga kilay.

"Damn!" Paano naman kasi! Nadaanan ko na 'to kanina! Napabuntong hininga ulit ako sa inis at napahilamos na lang sa mukha.

Sa pagkakataong ito ay liliko ako sa kaliwa!

"This is crazy!" bulong ko ulit habang umiiling.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Ricky. Mas kabisado niya ang lugar na 'to.

"Hello?" sabat niya sa kabilang linya.

"Bakit ang layo naman ata ng condo ko mula sa station?!" bungad ko naman. "I pay huge rent. Isn't it supposed to be closer?!" hindi naman agad siya nakasagot.

"T-teka lang naman... si manager ang--."

"Damn!" pinutol ko na ang kanyang sasabihin. "Manager na naman!"

"San ka na ba? Susunduin na lang kita."

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon