CHAPTER 1: GRIM REAPER

130 10 0
                                    

"Good morning!" masaya kong bati sa sarili. Agad kong kinapa ang salamin sa side table at isinuot ito.

"Ayan! Ang linaw na ng paligid." bulong ko pa.

Maaga akong nagising dahil balik pasukan na naman. Tulad nang kinasanayan ay ginawa ko na ang aking morning rituals.

Toothbrush, naligo, nag bihis, syempre! Matik na yan. Kinuha ko sa masikip na closet ang naka hanger na uniform. Nag lagay ng kaunting polbo at sinuklay ang mahabang buhok. Bumaba ako at dumako sa kusina.

Nakahanda na ang breakfast!

Mabilisan kong nilantakan ang pagkain at nag toothbrush ulit. Pagkatapos ay kinuha ang bag pack na nakapatong sa sofa. Napangiti ako. . .

Halos mapuno na kasi ng pin ni Baby Rayver ang aking bag. Ang cute at gwapo niya! Halos lahat ng makita kong merchandise ay binibili ko. Mapa t-shirt, cap, pillow, mug, bag, stickers, pins, posters at kung ano-ano pa!

Super duper extreme to the highest level fan ako ni Rayver Shawn Santos, ang baby ng buhay ko!

Sikat siyang author ng wattpad, baguhan pa lang pero ang dami niya nang supporters at readers. Hindi dahil sa gwapo siya, ang talent niya mismo sa pagsusulat ng storya ang naging dahilan sa pagiging successful niya. Kapag nabasa mo ang kanyang gawa ay animo'y dinadala ka sa ibang dimensyon ng mundo. Nakakabilib!

At syempre! Isa ako sa sumusuporta sa kanya. Pero walang makakahigit sa pagiging fangirl ko! Makikipag patayan ako para sa kanya. Hehe, pero joke lang! SPG yun!

Napatingin ako wall clock. Male-late na ako! Tch!

Mabilis kong isinuot ang medyas at sapatos pero halos madapa ako dahil hindi pa man tuluyang naisusuot ay patakbo na akong lumabas ng bahay.

Malapit lang ang paaralan namin mula sa bahay pero dahil mabagal ang kilos at sobrang late kong bumangon kaya ang resulta...

palagi akong nahuhuli sa klase.

Tulad ng palaging ginagawa, inilabas ko ang mp3 na sobrang tagal na sa'kin pagkatapos ay inilagay ang earphone sa magkabilang tainga. Itinodo ko ang volume nito saka nagpatuloy sa paglalakad.

Inspired akong tinahak ang daan habang naka ngiti.

🎶 She played the fiddle in an irish band
But she fell in love with an english man.
Kissed her on the neck and then I took her
by the hand
Said, "Baby, I just want to dance"🎶

Nakikisabay pa ako sa pagkanta habang naghe-head bang pa!

🎶 I met her on Grafton street right outside of
the bar
She shared a cigarette with me while her
brother played the guitar »
She asked me what does it mean, the
Gaelic ink on your arm?
Said it was one of my friend's songs, do
you want to drink on? »
She took Jamie as a chaser, Jack for the
fun »
She got Arthur on the table with Johnny
riding a shotgun
Chatted some more, one more drink at the
bar »
Then put Van on the jukebox, got up to
dance »





Isang malakas na bagay ang naramdaman kong tumama sa aking katawan at naramdaman ko ang mabilis kong pagtilapon sa unahan ng truck!? na bumangga sa akin! Gumulong pa ako ng ilang beses at ramdam ko ang sakit ng kabuoang resulta ng pagbanggang iyon.

Nakahiga ako sa magaspang na kalsada at nakatingin ng diretso sa langit. Mula sa aking noo ay ramdam ko ang unti-unting pagdanak ng likidong sa tingin ko ay ang sariling dugo. Pero mukhang nagkamali ako dahil hindi lang sa noo nagmumula ang mga dugong kumakawala mula sa akin, meron din sa ilong at bunganga na nagdudulot para mahirapan ako sa paghinga.

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon