CHAPTER 17: PSYCHO

28 6 1
                                    

GRIM REAPER'S POV:

"What are you still doing? Tatayo ka lang ba dyan magdamag?" malamig niyang sabi.

"H-ha?"

"Hindi ka pa ba mag-uumpisa?"

"A-ah! O-oo. M-mag uumpisa na." parang tanga! Ba't ba natataranta ako tuwing kinakausap ako ni baby Rayver!

Natural! Ngayon lang naman ako nagkaroon ng chance para makalapit ng ganito at makausap si baby Rayver!

Kasalukuyan kaming nasa dressing room. And take note! Kaming dalawa lang SA IISANG KWARTO! Oh tukso, layuan mo ako!

Nasa labas si Ricky. Kanina pa walang imik. Nahihiya siguro sa kapalpakan niya kanina. Ikaw ba naman sigawan ng isang Rayver Shawn Santos! Kung ako sa kanya, mahihiya talaga ako! Buhay ni baby Rayver ang malapit nang mawala. Actually, buhay naming tatlo!

Bumalik ako sa ulirat nang iharap ni baby Rayver ang sarili sa akin. Nakaupo siya sa swivel chair at nakapikit. He's half asleep. Kaya hindi niya napapansin ang kaibahan namin ng totoong make up artist niya.

Binuksan ko na ang make up kit at literal na napahanga sa dami ng uri ng koloreteng pwedeng gamitin.

Yung make up ko kasi sa bahay ay dalawang uri lang, isang violet at white foundation.

Mabuti na lang at may karanasan ako pagdating sa ganitong bagay. Araw-araw akong nag lalagay ng kolorete sa mukha, kaya kampante akong madali lang 'to para kay baby Rayver. Atsaka, natural na gwapo ang baby ko. Kaunting make-up lang ang kailangan para sa kanya.

Palihim akong napangiti. Abot kamay ko na siya ngayon! Gusto ko pa sanang kiligin, magtatalon, sumigaw at manghampas ng pwedeng hampasin. Kaso nagmamadali ata ang baby ko kaya h'wag na lang!

Inumpisahan kong lagyan ng foundation ang pisnge niya, ang lambot! Nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinapahid ang foundation.

Sunod kong nilagyan ang matangos niyang ilong. Umiling pa siya ng kaunti sa ginawa ko. Ayaw niya bang hinahawakan siya sa ilong?

Hinanap ko ang kulay violet na kolorete, para sa finishing touch sa make-up ni baby Rayver. Kaunti na lang at matatapos na!


"Anong pinag sasasabi mo diyan Jen?"


"Iniwan? Eh sinampal mo pa nga ako habang nagmamaneho--" biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ricky na awtomatik na napaupo, napasandal sa pinto, at parang takot na takot na animo'y nakakita ng multo!


Alam niya na kaya?!

Agad namang napamulat si Baby Rayver dahil sa ingay. Humarap siya sa human sized mirror ng may naglalakihang mata at nag-uumpukang mga kilay! Anumang oras ay uusok na ang ilong niya sa galit! Ano bang problema?


Maganda naman ang kinalabasan ah? Maputing mukha, sobrang puti. Nasobrahan ata ng kaunti? Kulay violet na kolorete sa palibot ng mata. Ba't parang black eye ang kinalabasan? Ngayon ko lang napansin!

Ganyan ang nakasanayan naming ayos ng make-up. Ganyang-ganyan naman kasi ang ayos naming mga grim reapers. May experience ako lalo na sa paglagay ng kolorete sa mukha. . . sa porgatoryo.

Ang kaso, hindi pasado kay manager ang skills ko. Wala daw akong talent sa pag-aayos.

Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin kaya agad akong umiwas sa titig niya. Pilit na itinatago ang mukha!

Marahas niyang hinila ang braso ko. Sapat na para mapaharap ako sa kanya. Nakayuko lang ako habang hawak niya parin ang braso. Pahigpit ng pahigpit, masakit na kung tutuusin. Unti-unti kong inangat ang paningin at doon nagtama ang aming mga mata! Ang talim ng mga tingin niya! Nakakapanglambot!

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon