CHAPTER 12: HIS STRANGER SAVIOUR

23 3 1
                                    

RICKY'S POV:

Ihahatid ko na si Shawn sa bahay niya. Katatapos lang ng event kung saan naging guest siya ng TV show.

Sobrang higpit talaga ng schedule niya, na pati kami ni Jen ay nagiging busy na rin.

"Oh? Kamusta ang interview?" tanong ko matapos siyang maka puwesto sa backseat. Ini-start ko naman agad ang makina ng kotse.

"Ayos lang." tipid niyang sagot habang inilalagay ang earphone sa magkabilang tainga.

Hindi ko na siya nagawang tanungin. Nag concentrate na lang ako sa pagmamaneho.

Swabe lang ang naging byahe namin. Paliko na ako sa daan patungong subdivision nang biglang may lumitaw na babae sa kung saan at pabangga ito sa amin!

"Oy! Oy! Oy!" agad kong tinapakan ang preno. Wth! Asan galing ang babaeng weirdo na yan!? Naka uniform with matching eye glass pa, at ang malupet! Naka earphone din siya! Kitang kita ng dalawang mata ko ang paglitaw niya mula sa itaas. Ano siya?! Alien? Angel?

Malakas ang naging impact niya sa pagkabangga sa amin kaya alam kong nakita rin ni Shawn ang nangyari. Agad niyang tinanggal ang earphones at nagmadaling bumaba.

Dahil sa panic ay bumaba na rin ako para tingnan ang babae.

Napaka weirdo talaga, naka uniform pero rubber shoes?! Hanep! Ito na ba ang bagong suot kapag P.E?

Nakuha niya pang ngumiti kay Shawn bago mawalan ng malay.

"Tawagan mo si Dr. Randel, bilis!" agad na utos ni Shawn.

Nagmamadali ko naman itong ginawa at wala pang five minutes ay nakarating na ang ambulansya.

"Pumasok ka na sa kotse Shawn. Marami na ang mga nakakakilala sayo. Baka pagkaguluhan ka." baling ko sa kanya matapos niyang kausapin si Dr. Randel.

Hindi na siya nag salita at agad bumalik sa sasakyan.






GRIM REAPER'S POV:

"Can you hear me?"


"Naaalala mo ba ang nagyari?"


"Don't fall asleep."



"Stay conscious."



"Miss?"



"Naririnig mo ba ako?"

Naririnig ko ang pamilyar na boses na 'to. Narinig ko na 'to eh. Pero hindi ko magawang imulat ang mga mata.

Nararamdaman ko ang pag galaw ng hinihigaan ko, tumatakbo, paliko sa kanan, maya-maya'y sa kaliwa.

"Can you hear me? Open your eyes." ang malambing na boses na ito. Boses ni Dr. Saviour.

Parang pagod na pagod ako na pati pagmulat ko ng mata ay hindi ko magawa.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon