CHAPTER 11: DEFEAT YOUR WEAKNESS

34 6 0
                                    

GRIM REAPER'S POV:

Kasalukuyan akong naka tayo sa harap malaking cabinet. Nakatitig sa nag-iisa kong uniform... ang damit na suot-suot ko nang mamatay ako.

Ngayon ko lang ulit to masusuot. Nakaka miss lang. Pero kinakabahan ako sa gagawin ko, sa magiging desisyon ko. Lahat ng 'to ay pawang walang kasiguraduhan. Pero wala na rin akong choice, kailangan kong subukan. Kailangan kong tandaan ang lahat ng paalala ni manager.

"Nakakapanibagong hindi ko na maisusuot ang mga nakasanayan kong damit."
Inayos ko ang nectie at kwelyo ng uniform ko habang nakatitig sa salamin. Gaya ng inaasahan, wala parin akong repleksyon.

Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang biglaang desisyon ni manager Rex. Hindi ko rin maintindihan ang mga katagang binitawan niya bago kami maghiwalay ng landas.

"Tama ba 'tong gagawin ko?" tanong ko sa sarili habang nakatitig sa relong bigay ni manager.




"Ito lang ang kaya kong gawin para sa'yo. Ang palayain ka mula sa pagiging isang grim reaper lang ang tanging naiisip kong makakatulong sa'yo. Neither saving nor killing someone is a grim reaper's job. It's a human being's."

"Hindi ko po maintindihan." naguguluhan kong tanong kay Manager Rex. Imposible ang iniisip niya, paanong ako? Babalik sa ... Ugh! Ewan!

"Alam kong alam mo sa sarili mo ang ibig kong sabihin hija. Bakit? Malaki na ang tyansa na makabalik ka sa mundo ng mga tao, ngayon ka pa ba matatakot?"

"Hindi naman ho sa natatakot ako, pero posible ba yun?" paninigurado ko.

"Of course! Nangyari na 'to sa isang multo. Namatay siya at pagkalipas ng tatlong araw ay muli siyang nabuhay, naging tao siya ulit. He lived for 40 days."

Natigilan ako, pamilyar ang kwentong ito. Napatingin ako sa asul na kalangitan.

"Manager naman eh! Si Papa Jesus yun, ibang sitwasyon ito!" pagmamaktol ko.

"Kapag isinapuso mo ito, talagang makakaya mong gawin. Just give it a try." seryosong niyang pahayag. "Anyway, kung hindi mo magawa... Sa tingin mo ba na ang mga taong nakapaligid kay Shawn ang po-protekta sa kanya? Walang kasiguraduhan."

Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan.

"With this..." inilahad niya ang kanyang palad na may RELO! Ito yung bagong model na tulad ng kay Arvin!

'Wow!'

"Let's say I repaid my dept..." pahina ng pahina ang kanyang boses. "For taking you." hanggang sa hindi ko na maintindihan ang huli niyang sinabi.

Inabot ko ang relo at masaya itong sinuri.

Nakapag decide na ako.

Sakay-sakay ng bike, agad akong pumadyak papunta sa daan kung saan palaging dumadaan ang kotse ni baby Rayver. Kabisado ko na nga kasi ang daily routine niya di'ba?

Habang tumatakbo ang aking bisikleta ay kasabay rin nito ang mga sinabi ni manager Rex sa akin.

"Mabubuhay ka ulit bilang isa sa malalapit na tao sa buhay ni Rayver Shawn Santos."

"Kapag natapos ang taon na ito nang hindi namamatay si Shawn, hindi na siya pipiliting kunin ng nakatataas."

Ipinarada ko ang bisikleta sa may kanto, habang isinusuot ang earphone at salamin. Handa na ako!

"Gawin mo ang bagay na kinatatakutan mo. You must defeat your weaknesses, at ikaw lang hija ang nakaka-alam kung ano man yun."

Ang lagi kong kinakatakutang mangyari ay nasa panaginip ko. Ang bangungot noong araw na mamatay ako, ang mabangga ng sasakyan.

'Gagawin ko ba talaga 'to!? Papatayin ko ulit ang sarili ko para m-mabuhay!? Ang gulo!'

Tumakbo ako sa gitna ng kalsada, sa pagkakataong ito buo na ang desisyon ko.

Sasalubungin ko ang van nila Shawn, at sana! Sana hindi masayang ang lahat ng nangyari ngayong araw.

"Pero ito ang tatandaan mo hija. May limitasyon ang mga dapat mong gawin sa oras ng iyong pagka buhay."

"30 seconds." malapit na sila Shawn.

"20" habang paikli ng paikli ang segundong natitira ay halos lamunin na ako ng kaba sa aking dibdib.

"15"

"Make sure you don't fulfill all the seven reasons you haven't cross over yet."

"Pitong dahilan na hindi ko pa nagagawa?" agad sumagi sa aking isip ang diary'ng naglalaman ng wishlist ko. 7 things I want to do if I can live again.

"10"


"Oo hija. Kung hindi... alam mo na ang mangyayari."

"5..." humugot ako ng isang malalim na hininga at inumpisahang ihakbang ang aking paa. Mabagal hangang sa unti-unting bumilis ang aking takbo. Handa na akong salubungin ang sasakyan na rumaragasa papunta sa direksyon ko.

4



3



2




1

Ang pangyayaring ito, pamilyar. Sobrang pamilyar. Nasa panaginip ko na 'to eh. Nabundol ako ng sasakyan tapos paggising ko, si baby Rayver agad ang makikita ko!

Pero teka! Ang sakit ng mukha ko! Leeg, braso, katawan, binte, lahat na ata! Parang nag slow motion ang lahat.

Kitang kita ko kung paanong nagulat si baby Rayver at yung driver niya no'ng biglang lumitaw ang imahe ko sa daan at mabundol nila. Ang masama pa nun, nakuha ko pang ngumiti! Eh nakita ko si Shawn eh! Pero parang lumulutang ako sa ere, hindi kaya multo parin ako?!

Ang sakit ng pag bagsak ko!

Sa semento!?

Gusto kong bumangon, pero parang binugbog ako ng sampong mga adik sa kalye... hindi ko magalaw ang katawan ko.

Tanging mata ko lang ang kayang gumagalaw. Mukhang pati ang salamin ko ay napuruhan, basag na kaya medyo malabo ang paningin ko. Pero nakikita ko parin ang maaliwalas at bughaw na langit at ---- ang gwapong mukha ni baby Rayver ko! Nakakunot ang noo, pero bakas ang pag-aalala.


"Nasa langit na ba ako?" wala sa sariling tanong. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis, pero wala man lang nag bago sa ekspresyon niya.

'Inaantok na yata ako, gusto ko nang umidlip kahit saglit lang. Gusto ko mang titigan ang gwapong mukha ni Shawn ay hindi ko na magawa, unti-unti na akong nilamon ng pagkahilo at ---.'

* * *

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon