CHAPTER 13: UNKNOWN IDENTITY

27 6 0
                                    

GRIM REAPER'S POV:

"Make way!"


"Kung maaari ay tumabi muna!"


"T-teka lang! Aray! A-ano ba!? Nasasaktan ako! Teka manong police!" hila-hila ako ng mga pesteng police na'to palabas ng BT21 arena. Sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa aking magkabilang braso at hindi ko mapagkakailang nasasaktan na ako!

Natigil rin ang event ni Shawn dahil sa insidente. Okay lang kaya siya? Nasaktan ba siya?!

"Ayan ang napapala ng disperada! Deserve mo yan ateng! Hmp!"


"Sino ba kasi 'yang babae na 'yan?! Ang lakas ng loob na lapitan si Shawn!"


"Duh!? Hinawakan at nayakap niya pa si Rayver! Sobrang pagnanasa na yung ginawa niya!"


"Nakaka gigil si ate!"


"Pero tingnan niyo naman kasi, parang may diperensya sa pag-iisip ang babaeng yan."


"Look at her dress. Mukhang galing sa mental!"


"Maybe spy siya ng hater ni Shawn."


"No! Let me rephrase it, she is Rayver Shawn's hater kaya niya ginagawa yan!"

Iilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan ng mga bubuyog este... mga fans ni baby Rayver sa paligid ko!

Napapaligiran lang naman ako ng mga fans ni Shawn. Halos lahat ng pares ng mata ay sa akin nakatuon, take note! Ang tatalim ng tingin nila sa akin. Kung nakamamatay lang siguro ang titig nila ay kanina pa ako naging kaluluwa... ulit. Takte!

"Kung ano mang pinag dadaanan mo hija ay solohin mo na lang, 'wag ka ng mangdamay pa ng iba. Jusmiyo! Mga kabataan talaga ngayon." pa iling-iling na payo ni manong police na nasa kanan.

"Ang laking gulo ang naidulot mo hija. Kaya kung maaari ay sumama ka na sa amin. Ibabalik ka namin sa mental hospital o rehab, para tuluyan ka ng gumaling."

'Mental hospital?! Rehab?! Nononononononono! Hindi ako baliw! Lalong hindi ako adik!'

"M-manong police, hindi po ako baliw. Galing po ako ng hospital! Kagagaling ko lang sa aksidente! Kaya bitiwan niyo na ako!" pagpupumiglas ko. Pero sadyang malalakas sila at walang binatbat ang payat kong pangangatawan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni manong police na nasa kaliwa ko.

"Ano bang nakakatawa!?" irita kong tanong. Naiinis na ako!

"Galing ka sa aksidente?"

"Opo."

"Ano bang klaseng aksidente yan? Nahulog ka ba sa 50th floor ng gusali at nabagok ng matindi yang ulo mo?"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" humagalpak silang dalawa ng tawa. Mga loko 'to ah!?

"Hindi niyo kasi naiintindihan!" malakas kong tili, natigil sila sa pagtawa at seryosong tumingin sa'kin. Siguro makikinig na sila. "Mamamatay si Shawn ngayong taon. Mamamatay siya!"

"BWAHAHAHAHAHAHABWAHAHAHABWAHAHAHWAHAHAHAHA!" tumawa ulit sila ng pagka lakas-lakas.

"Wala na! HAHAHAHAHA! N-natuluyan na ata! HAHAHAHAHAHA!" patuloy paring banat ng police na nasa kaliwa ko naman.

Palabas na kami ng BT21 arena. Agad namang hinanap ng mata ko ang sasakyan ni baby Rayver. Hindi naman ako nabigo, agad kong nakita ang pamilyar na kotse. Sigurado akong kay Shawn 'yan!

Matiim kong tinitigan ang salamin ng bintana nito. Kahit medyo malayo ay alam kong si baby Rayver ang nasa backseat. Nakaharap sa mismong lokasyon kung nasan kami.

"Shawn! Rayver Shawn!
Aray! Ano ba manong! Baby Rayver!" sunod-sunod kong sigaw, matawag lang ang kanyang pansin. Iwinagayway pa ang magkabilang kamay kahit hirap na hirap na'ko.

"Hija, 'wag ka ng makulit! Tara na!" sobrang lakas nila kumpara sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang magpahila sa nalang.

Papunta kami sa police car na kanina pa naghihintay sa labas ng arena.

"T-teka lang ho!" pagmamaka-awa ko. Binitawan ng manong na nasa kaliwa ang braso ko at umikot para pumunta sa driver's seat.

"Iimbitahan ka lang namin sa prisinto hija. Kaya 'wag ka--."

Agad kong kinuha ang pagkakataon para tumakas. Patakbo akong pumunta sa van nila baby Rayver at---

"Shawn! Shawn!" katok ko sa tinted window ng van.

"Hija! 'Wag mo ng dagdagan ang kahihiyang ginawa mo!" marahas akong hinila ng mga police na parang isang bagay na sobrang gaan. Effortless lang para sa kanila na hilahin ako!




RICKY'S POV:

"Did you find out?" agad na bungad ni Shawn pagkapasok ko pa lang ng kotse. Agad akong pumwesto sa driver's seat.

"Yep." sagot ko. Tinutukoy niya yung obsessed fan girl niya kanina. Inutusan niya ako para i-check ang background nung babae.

"What did you find out?" agad niyang tanong habang nasa labas ang paningin. Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin only to find out na doon lang pala sa obsessed fan girl niya. Hawak siya ng dalawang police. Gustong makawala ng babae pero masyado siyang payat para labanan ito.

"Wala."

"What the hell?!" asik niya.

"Woah - woah! Easy. Heto na, hindi siya nag-aaral sa nasabing university." paunang paliwanag ko. "Unknown identity. She's just a stalker. Walang files na nagsasabing enrolled siya sa BLINK University. Tapos bulok na yung style nila! Yung willing silang masaktan para lang mapansin ng idol nila. Pero pwera na lang sa kanya na handang mamatay. Tch! Creepy!"

"Kasuhan mo siya. She needs a lesson."

"Shawn naman! Nakita mo ba yung kabuuan niya? Hindi siya mukhang normal, I mean kita mo... parang may sakit siya."

"Tch!" tanging naisagot niya.

"Huwag na lang nga natin siyang pag-usapan. Change topic tayo. Payo ko lang ha, kung nahihirapan kang mag-sulat ng love story, why don't you try dating girls? Subukan mo naman kasing magka-love life. Hindi yung puro ka trabaho. Para naman magkaroon ka ng inspirasyon." sinsero kong payo. "At 'wag kang mag-alala. I'll keep it a secret, kahit pa yung ultimate fan girl mo ang i-date mo. Okay lang!" dagdag ko pa sabay kindat sa joke ko. Hahahaha!

Hindi na siya nag-abala pang sumagot sa halip ay binigyan lang ako ng matalim na tingin.

"Sa paggawa kasi ng storya, hindi naman yan nanggagaling dito..." turo ko sa aking sintido. "kundi dito." turo ko naman sa bandang dibdib ko. "Isapuso mo lang ang paggawa ng kwen--."

"Shawn! Shawn!"

"Damn!" bulong ni Shawn nang biglaang sumulpot ang babaeng kanina lang namin pinag uusapan.

Lumayo naman siya bintana na tila diring-dire sa babae.

"Haaay! Kawawang nilalang." tanging naibulong ko nang mahuli ulit siya ng mga police at padarag na hinila sa police car.

* * *

Fate: My Ghost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon