Part 3... Essence of a Woman

2.5K 73 3
                                    


Isa, baby, gising na... malambing kong gising sa anak ko. Time to wake up baby, may school kapa, dali, bangon ka na diyan, your friends are waiting for you na.. dagdag ko pa habang binubuksan ang blinds ng kwarto niya.

Mama naman eh.. ayaw school.. tamad na tamad niyang sagot sa kin.

Naku sayang pala mga niluto kong pancakes para sayo. Pangungunsensiya ko sa kanya at alam na alam kong hinding hindi niya matatangihan ang mga yun dahil favorite niya ito. Ako nalang mag-isang kakain ng mga yun. Natatawang sabi ko pa.

Nakita ko naman umupo siya sa higaan niya habang kinukusot ang mga mata nito.

Mama you are so bad. Sagot naman niya sa akin. Kakain ka without me? Malungkot na sabi niya kaya lumapit ako para yakapin siya.

Hirap mo kasi gisingin eh, alam mo namang male-late tayo. Sagot ko naman sa kanya. Stand up na diyan ok, maligo na with manang Dori tapos mamaya promise may surprise ako sa yo. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

Talaga mamma?! Masigla niyang tanong. Ng cross naman ako sa heart ko at tinaas ang right hand ko para makita niya na totoo sinasabi ko.

Promise, kaya tumayo ka diyan at mag ready na okay. Utos ko pa sa kanya at lumapit na si manang ka kanya.

Ganto nalang halos araw-araw ang routine namin, dahil pahirapan ang pag-gising sa baby ko. Pero kahit tulog, kapag narinig nag pagkain, sure yan na tatayo kahit nakapikit pa ang mga mata niya. Manang mana talaga sa akin hehe..😂

--- (kitchen)

Masiglang bumaba ang baby Isa ko. Sa ngiti palang niya alam na alam kong masaya siyang nagising.. inalalayan siya ni Manang Dori para kumain, pinasabay ko na rin siya sa hapag kainan. Ni minsan hindi ko tinuring na ibang tao siya dahil malaking tulong siya sa akin. At parang naging nanay-nanayan ko na rin kasi siya.

Manang Dori mamaya po ako na susundo kay Isa kasi kailangan kong mag-attend sa Parents meeting para sa mga graduating pupils. Bilin ko sa kanya at tumango naman ito.

Ah, mam dito ba matutulog si Mam Ella? Nahihiyang tanong naman nito..

Hindi ako sure manang pero huwag na kayo mag-a-lala okay naman po kami dito ni Isa. Sagot ko sa kanya. Kayo na po ang sumakay sa school service pauwi para maaga kayong makarating ng Bulacan, Friday ngayon manang alam mo na traffic. Dagdag na bilin ko pa sa kanya. Yung sahod niyo po nilagay ko na tabi ng mga susi natin pati narin po yung pamasahe niyo pauwi.

Maraming salamat po mam.. mahinang sagot ni Manang sa akin.

Manang Dori naman eh, sabi ng Jho nalang. Para naman kayong iba sa akin. Kunwaring nagtatampo ako kaya napa ngiti lang siya sa akin..

Every Friday kasi umuuwi si Manang sa Bulacan. Ganoon ang naging takbo ng pag-aalaga niya sa aming dalawa ng anak ko. Gusto ko kasi na mag spend ng quality time sa baby Isa ko tuwing sabado at linggo at para makapag pahinga din naman si manang. Well it depends din naman kasi sa dami ng trabaho ko. Linggo ng gabi o lunes ng umaga na ang balik na niya.

Kami naman ni Isa ay uuwi sa Batangas kina Mama or stay lang sa bahay..

--- (on the way to school)

Isa, baby be a good girl okay. Bilin ko sa Baby Girl ko habang inihahatid siya sa classroom nila.

Opo mamma, basta huwag mo kakalimutan yung promise mo sa akin ha. Cute na cute niyang sabi sa akin ang niyakap ako ng baby ko. Sarap sa pakiramdam bilang isang ina ang makita lahat ng development ng anak mo.. isang yakap at halik niya ay naalis lahat ng pagod at stress na nararamdaman ko.

Beautiful Soul (JhoBea Story)Where stories live. Discover now