Part 8... Revelations

2.5K 74 14
                                    



Isa and I have been so close together for the past days na nag-stay ako dito sa resort. And I must admit that I am having a really good time. Pati nga si Manang Dori ay nakuha ko na rin ang loob. Nung una kasi medyo alangan pa siya pero ngayon ay okay na kami, close as a matter of fact.

Naging routine namin ang maglaro sa sand, magswimming, at magvolleyball araw-araw. We also eat lunch together at nagmemerienda kami under the sun. Who would have thought that I can be this close to a kid. I like kids pero hindi ganoon ka haba ng tolerance ko sa kakulitan nila. Jhoana does... I even wonder kung may anak na rin kaya siya? I just shrugged the thought, natural lang naman na may anak na siya at this time.

Hindi ko alam kung bakit kay Isa.. its been different. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Minsan nga feeling ko para siyang isang batang Jhoana sa kinikilos niya and maybe sa features niya na halos hawig sila. Ganoon nga siguro kaya madali akong napalapit sa kanya..

Nagiging clingy din siya sa akin. Kahit hindi na siya ganun ka bata gustong gusto niya ang kinakarga ko siya, kinakandong, niyayakap at lalo na ang piggyback ride.. Very Jhoana right?!

Can I ask you something? Tanong ko sa kanya.. huminto naman siya sa ginagawa niyang sand castle at tumingin sa akin.

Where's your mom and dad? Hindi mo ba sila kasama? Curious kong tanong sa bata. Napayuko ito kaya naguilty ako bigla sa nasabi ko.

Did I say something wrong baby? Nag-aalalang tanong ko sa kanya..

I have my Mamma po, pero... natigilan siya sa susunod na sasabihin niya at nakatingin ng inosente sa akin habang kagat kagat niya ang labi niya.. hmmm can you be my Dada? Nakangiting tanong nito sabay pisil ng mg pisngi ko..

Nasamid ako sa iniinom kong tubig, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa batang ito dahil nagulat talaga ako sa sinabi niya.

What did you say? Bakit mo naman ako nasabi yun? Ngumiti lang siya sa akin... diba kabata bata talaga marunong ng mang-inis.

Kasi si Mamma... she is mamma and pappa at the same time. Alam ko yun dahil ginagawa niya lahat para sa akin. Sa yung mga friends ni Mamma, mommy lahat nga tawag ko sa kanila.. masayang paliwanag niya sa akin..

Di mommy nalang itawag mo kung gusto mo tutal friends naman tayo diba? Sagot ko pabalik sa makulit na bata.

Ayaw ko mas gutso ko mommy dada. Pagpupumulit niya pa habang pinipisil pisil ang pisngi ko.

Ang pangit naman nun. Saka baka magalit mama at papa mo sa akin. Pagkontra ko sa kanya.

Basta from now on, ikaw na mommy-dada ko. Sagot nito at pinaghahalikan ang mukha ko..

Bakit ba gusto mo akong mommy-dada mo? Tanong ko pabalik sa kanya habang kinikiliti siya sa tagiliran..

Hahaha, kasi po you protect me, tapos hahahaha, you do everything para maging masaya ako at syempre love mo ako. Seryosong sabi nito sa akin kahit hirap ng huminga dahil sa pagkiliti ko.

Natigilan ako sa ginagawa ko sa kanya, hindi ko alam pero aaminin ko na masaya ako sa idea niya. Hindi ko man kilala magulang ng batang ito pero gusto ko... gusto kong maging mommy dada niya..

Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako sumagot sa kanya.

Sige payag ako but you need to promise me something.. pakiusap ko sa kanya.. Nakita ko naman na lumiwanag ng husto ang mukha niya sa sinabi ko.

Beautiful Soul (JhoBea Story)Where stories live. Discover now