Jho POV (dreaming Jhoana)Nakikiusap ako, wag siya, ako nalang! Umiiyak na sabi ko sa kanya..
Huwag mo akong sagarin dahil sigurado akong pagsisisihan mo kung hindi mo ako papakasalan! Sigaw niyang sagot sa akin kaya napaluhod ako sa harapan niya habang umiiyak.
Oo payag na ako, papakasal na ako sa yo. Basta ipangako mong walang mangyayaring masama kay Bea.. hindi ko kakayanin yun, ikamamatay ko! Pagmamakaawa ko pero isang sarkastikong tawa lang ang natanggap ko.
Ganyan mo ba siya kamahal na mas gugustuhin mong mamatay para lang mabuhay siya? Galit na sabi niya sa akin habang pilit na inaalis ang kamay kong nakayakap sa mga paa niya.
Siya ang buhay ko, kaya kung may mangyari sa kanya, mas mabuti pang patayin mo na rin ako. Hindi ko iniinda ang ginagawa kong pambababa sa sarili ko dahil sa kanya... pero ang alam ko lang kailangan kong makiusap sa kanya para mailigtas ang buhay ng mahal ko.
Boss ayos na! Mayabang na sabi ng isang lalaki mukhang goon..
Good, hintay nalang tayo ng balita, dahil maya maya paglalamayan na yun paniguro.. sagot naman nitong isa kaya kinabahan ako dahil pakiramdam mo ay si Beatriz ang pinaguusapan nila.
Tumayo ako at pinaghahampas siya kung saan man abutan ng kamay ko.
Anong ginawa mo ha? Akala ko ba hindi mo sasaktan si Bea? Anong pinagawa mo ha? Anong ginawa mo kay Bea? Galit kong sigaw sa kanya habang tumatawa lang siya na parang isang demonyo.
Gusto ko lang namang gasgasan ng konti ang girlfriend mo. Kung hindi pa talaga kayo magtatanda sa gagawin kong ito ewan ko nalang... galit na galit niyang sabi sa akin sabay abot ng phone ko.
Yan, makibalita kana dahil maya maya lang baka paglamayan na ang magaling mong Beatriz.. pagkasabi niya nun ay umalis na siya habang tumatawa ng nakakaloko.
Dali dali kong dinial ang number ni Bea pero hindi na ito sumasagot..
Huling tanda ko ay nasa BEG sila para sa training namin, kaya malamang may kasama siya sa mga kaibigan namin.
OTP... connecting to Deanna..
Deanna, kasama mo ba si Bea? Andiyan ba siya? Natatarantang tanong ko sa kanya.
O, Ate Jhow akala ko bang may sakit ka? Di mo paba kasama si Ate Bea? Tanong nito pabalik sa akin.
Anong may sakit? Sinong may sakit? Sunod sunod kong tanong sa kanya na labis kong ikinakaba..
Nagtext ka kay Ate Bea diba? Kaya hayun hindi na tinapos ang training pupuntahan ka daw diyan sa Batangas.. nagtatakang sabi nito dahil tila nalilito narin sa mga nangyayari..
Wala ako sa Batangas Deanna! Bakit niyo siya hinayaang umalis diyan! Sumisigaw kong sabi sa kanya, sa pagkakataong ito ay mabilis na ang tibok ng puso ko.. ramdam na ramdam ko na na may nangyayaring hindi maganda.
Pero Ate yun ang nakasulat sa text mo sa kanya.. palagay ko nga papunta na siya doon. Nanginginig na sagot niya.. Ate ano bang nangyayari? Takot na tanong nito sa akin..
YOU ARE READING
Beautiful Soul (JhoBea Story)
FanfictionWill love ever be the same the second, and third time around? Are you brave enough to endure all the pain and sacrifices, all for the sake of Love? Maye this time, goes the song... "Two old friends meet again Wearing older faces And talk about the...