not.an.update

2.3K 45 100
                                    


An Open Letter to Almost

" Tawag k ulit sa kin tapos mg goodnight ka... bumawi k sakin gaga!!"

Yan ang huling mga pahayag mo kagabi bago naputol ang usapan natin...
My heart literally jumped out of joy.

Maybe nagtataka kayo ano tong pinagsusulat ko,
Ako din naman di ko alam kung ano ito.
But what I do know is that, I am about to tell you about my "almost"...

Panigurong galit yan ngayon sa akin, pero paniguro ko na binabasa mo pa din kahit umuusok ka na sa galit...
Yeah my almost... may sasakit pa ba daw sa salitang almost?
Yung tipong masasabi mo na halos... muntik na... andun na...

Parang tayong cancer... may taning na tayo mahal...
taning na alam natin kung ano ang end-game nating dalawa...
Na sooner or later, matatapos kung ano man ang mayroon tayo...

Alin ba ang mas masakit?
Yung matagal na kayo pero wala na talaga... pinipilit nalang...
O yung kayo ngayon sa maiiksing panahon pero kailangang putulin kung ano man meron nito?

Gago lang diba?
Bakit puputulin?
Bakit hindi hintayin ang tadhana ang gumawa ng paraan?

Kung matatandaan mo... (kung lang naman) we are exactly a week ago today!
Nagsimula lahat ng ito ng mag-iwan ka ng comment sa isa sa mga chapter na isinulat ko...
Sumagot ako... sumagot ka ulit... hanggang maisipan ko na i DM ka...

We started talking... una palitan lang ng idea sa bagay na yun... hanggang lumalim na...
Naging tungkol na sa mga buhay at pananaw natin...
You made me super duper crazy sa mga sagot mo...

Why? Kasi noong una halos kontra lahat ng sagot natin, pero sa huli ay nagkakatugma na tayo..
Putcha! Paano nangyari yun na parehas tayo ng iniisip? Pati paliwanag parehas na parehas...
That moment I knew, there was something about you...

You literally made my heart beats twice as much as it should...
You made my lips form a smile when your screen name popped out my screen..
And tried biting them just to suppress the kilig I am feeling that moment...

It's crazy...
How in a span of 24 hours, we fall in love...
Sabi mo nga, "may ganun pala", and I told you I've read from somewhere na it only takes 4 hours for a person to fall in love...

I made the deal... walang mahuhulog sa atin... walang maiinlove...
Lakas ng loob kong sabihin yun... pero natalo ako... i really failed... because i fall... nahulog ako sa sarili kong idea..
Ikaw sa kabilang banda ay pinagtawanan ako, sabi mo pa nga yan naman ang gusto kong mangyari... na huwag kang hayaan na mahulog...

Pero hindi natin kayang magpaalam sa isat isa...
Gumawa ka, sa pagkakataon na ito, ikaw ang nagsalita
"NO label, NO commitment, NO expectations, NO demands"...

Pumayag ako, huwag ka lang mawala...
Pero kahit saan ko tingnan, masasaktan tayo...
Kasi alam natin sa sarili natin, kasama sa usapan natin na tatapusin natin ito kapag handa na tayo...

Dahil sa una palang may mali na, hindi na tama, at darating ang panahon na bibitaw din tayo...
Kaya tuloy naisip ko na para tayong cancer, may taning tayo...
Naghihintayan tayo kung kailan natin tatapusin ito...

Beautiful Soul (JhoBea Story)Where stories live. Discover now