Si Ate Jho yung nasa loob ng sasakyan.. wala siyang malay... may dugo sa kamay
Si Ate Jho yung nasa loob ng sasakyan.. wala siyang malay... may dugo sa kamay
Si Ate Jho yung nasa loob ng sasakyan.. wala siyang malay... may dugo sa kamayPaulit ulit na nagre-register sa utak ko ang sigaw na iyon ni Deanna...
Para naman akong walang narinig ng matauhan ako sa sinabi niya at tumakbo ng mabilis papunta sa sasakyan.
Kinakabahan ako, ang pintig ng puso ko na hindi ko na mawari kung triple na ito sa pagpintig... kailangan ako ni Jho, kailangan niya ako..tanging yun lang ang alam ko sa oras na ito..
Jho! Sigaw ko mula sa labas ng sasakyan niya ng marating ko ito pero hindi siya sumasagot... unconscious siya at bagsak ang ulo sa manibela ng sasakyan. Kita ko mula sa labas na may dugo nga sa kamay niya at may mga cans ng beer na naka-kalat sa loob..
Jho! Rinig kong sigaw ng mga kasama namin na nasa likuran ko na pala.
Binuksan ko ang pintuan sa side niya at swerte naman na nakabukas ito.. inalis ko siya sa pagkaka-lock niya sa seat belt at inaangat ang ulo niya, lumapit naman sunod si Ate Den para i check si Jho.
Amoy alak siya, lasing to! Sigaw niya sa amin. Pagkatapos nun ay sunod na kinuha niya ang kamay niyang may dugo. Its not that deep pero kailangan pa din linisan.. dagdag pa niya. Guys kailangan na siyang ipasok sa loob, okay lang siya don't worry. Sigaw niya sa amin..
Ano nanamang kagagahan to Jhoana? Inis na sabi ni Ate Ella habang kinakamot ang ulo niya.
Ano bang nangyari diyan? Buti umabot pa ng buhay dito? Galit kong sabi sa kanya pero hindi ito sumagot.
Bei pwedi bang buhatin mo si Jho? Medyo alanganin ang boses ni Ate Ly na nakiusap sa akin.
Kahit naman hindi ka makiusap gagawin ko parin ...
Nakatingin silang lahat sa akin, hinihintay na may gawin ako.. Huminga ako ng malalim at iniling ang ulo ko bago pumasok sa loob ng sasakyan at kunin ang lasing na Jhoana. Kinarga ko siya, like the old times, papasok sa bahay na tinutuluyan namin..
Pagpasok namin ay inilapag ko siya sa kutson na inilatag nila sa floor para tutulugan namin mamaya. Pagkatapos kong gawin iyon ay tumayo na ako at humakbang para umalis ng tawagin ako ni Ate Ella.
Saan ka pupunta? Nagtatakang tanong nito sa akin.
Lalabas, saan pa ba? Plain na sagot ko lang sa kanya.
Hind mo man ba ako tutulungan kay Jhoana? Nakataas ang kilay niyang tumingin sa akin.
I let out a big sigh bago sumagot.
Ako talaga Ate Ella? Ako talaga? Inis na sagot ko habang tinuturo ang sarili ko.
Sino pa ba? Sino ba ex nito? Si Mich? Gusto mo si Mich mag-ayos sa kanya? Sarcastic niyang sagot sa kin kaya nakita kong tumawa ng bahagya ang mga kasama namin.
Sige na guys dun na tayo sa labas, asikasuhin muna ni Bea at Ate Ella si Jho. This is not that serious naman kaya bukas na natin alamin ang details pag gising na si Jho. Utos ni Ate Ly sa lahat na sinundan naman ng mga ito.
YOU ARE READING
Beautiful Soul (JhoBea Story)
FanfictionWill love ever be the same the second, and third time around? Are you brave enough to endure all the pain and sacrifices, all for the sake of Love? Maye this time, goes the song... "Two old friends meet again Wearing older faces And talk about the...