Ito ang simula ng katapusan ng bagong kabanata ng buhay ko.. rather, namin ni Philip.
First Love, never dies, totoo un. Hindi mo makakalimutan ang first love mo, pero kakayanin mo naman mag move on dahil sa true love.
After 13 years of being together as BF / GF napagdesisyunan na namin magsanib pwersa. Masaya kung magagawa mo lahat ng gusto mo ng walang nakikialam. Yan ay kung gusto mo ng freedom, subalit mas masaya kung meron kang karamay sa panahong masaya at malungkot ka. Kaya need mo ng companion.
As we grow older, mapagtatanto mo na hindi lahat kayang ibigay ng kaibigan. Malalaman mo kahalagahan ng pamilya mo. At higit sa lahat, gusto mo rin bumuo ng sarili mong pamilya na magiging karamay mo hanggang sa pagtanda.
Hindi lahat may happy ending, lahat ng tao namamatay. Pero mas maigi ng may kasama ka pag dumating ang araw na yan.
We are already on our 1st year as a married couple starting to build our family. Hoping to have our first child. Minsan, maiisip mo din "pano kung..."
Pano kung may time machine at pwede kang bumalik sa nakaraan? Anong panahon ka babalik sa buhay mo? May babaguhin ka ba o gusto mo lang siyang irewind ng paulit - ulit? Pano kung may binago ka sa nakaraan mo, ano kaya ang naging resulta? Gusto mo bang maging never-ending ang buhay mo, dahil pabalik-balik ka na lang sa nakaraan?
Pwede mo yan sagutin, kung gusto mo,pwede ka mag -imagine kung ano nga ba ang mangyayari sa buhay mo kung sakali... pero kung pag-uusapan natin ang realidad, pinaka maigi na maging maingat tayo sa pipiliin nating landas, patunayan natin sa sarili natin na kaya natin harapin kung anoman naging desisyon natin at huwag kalimutan ang mga taong tumulong satin para maabot natin ang ating mga pangarap.
Ikaw, kamusta love life mo? nagsisimula naba o magsisimula palang? Good luck! :)
YOU ARE READING
15 years love life
RomanceStory about love,friendship, trials and a happy beginning.