Sobrang busy na lahat ng batchmates ko, pati mga barkada ko, isa-isa ng naglalaho sa paningin ko. Yung iba, nag stop na sa pag-aaral, yung iba, tinamad ng pumasok sa school. Buti ako, masipag parin dahil may inspiration. Pero, hindi gaya ng expectations ko, ang akala kong happy ending parang mauuwi sa wala.
Hindi ko na masyado nakikita si crush, sa sobrang pagkamiss ko sa kanya pati bestfriend ko, naiirita na sakin. Buti naiintindihan niya ako, kaya, ninakaw niya ang picture ni crush sa bulletin board ng school namin. Hahaha, atleast may souvenir ako ni crush. Suggestion nga sakin ng bestfriend ko, kulamin at gayumahin ko na daw. Pero syempre, hindi ko yun ginawa.
Instead, sumulat ako ng card, at nakalagay lang doon ay "Hi" tapos, tinext ko siya at sabi kong magkita kami, at may ibibigay ako sa kanya.
Next day, nagkaproblema, hindi kami nagkita, hindi ko alam anong dahilan, pero sobrang nalungkot ako, feeling ko, iniwasan niya talaga ako. kaya ayun, umiyak ako. Parang konti-konti ko ng napag tatanto na,wala talagang chance na maging kami ni crush.
Habang umiiyak ako, mag kumalabit sa akin,sabay sabing " Sorry na, inutusan kasi ako ng prof ko, kaya hindi ako nakasipot, pasensya na talaga."
Bigla akong napahinto sa pag hagulgol.. Eto na naman ako, parang sumisilip na naman si haring araw sa "chance" na iniisip ko. Pero ayokong humarap sa kanya na namumugto ang mga mata ko at sinisipon. Mabuti na lang to the rescue ang mga barkada ko, at sinabing " ikaw kasi, kaya tuloy umiyak si JC."
Gusto ko man sumagot, ayoko humarap at magsalita, ngongo pa ako nun. nahihiya ako.. kaya umalis na lang kami ng mga barkada ko, at sinundan niya ako kahit saan kami magpunta.
Buti na lang, humupa na ako sa paghikbi at pinilit ko ng lunukin lahat ng laway at sipon para lang makapag salita ng maayos. Ngumiti akong humarap sa kanya, sabay sabing : " Okey lang , eto pala yung ibibigay ko, pasensya kana, card lang yan."
Ngumiti na rin siya at nagpasalamat. Umalis, at pagkauwi ko, saka siya nag text at humingi ulit ng sorry.
Handa kang magtiis para sa mahal mo, handa mong lunukin lahat ng sakit at ipakitang masaya ka, kahit nahihirapan kana.
YOU ARE READING
15 years love life
RomanceStory about love,friendship, trials and a happy beginning.