YEAR 8: Pagbabago sa buhay ni Philip

454 6 0
                                    

Lumipas ang 2 years namin ni Philip, at nakita ko sa kanya ang malaking pagbabago.

- Palagi na siyang disente magdamit. (Dati kasi mahahalata mong tambay lang siya sa kanto)

- Nagsikap siyang makapagtapos ng highschool

- Iniwasan na niya ang sobrang bisyo. Naninigarilyo parin siya minsan, pero matumal na siya mag-inom at hindi na siya masyado bumabarkada. (Ako na lang palagi niyang kasama)

- higit sa lahat, parang mas matindi ang panliligaw niya sa akin, kahit kami na. Palagi niya akong binibigyan ng bulaklak na pinitas niya lang sa halamanan ng tiyahin niya. (sweet diba?)

Kaso, sa kabila ng magandang pagbabago ni Philip, mas dumami ang pagsubok sa amin. Gaya ng mga napapanood nating teleserye sa TV, ayaw ng magulang ko sa kanya, lalo na ang mama ko.

Mataas ang expectation ng mama ko sa akin. Gusto niya ay engineer o doctor ang mapapangasawa ko. Naisip ko, normal lang sa magulang ang maghangad ng magandang kinabukasan para sa anak, subalit ang hindi ko matanggap, ay bakit sa akin pinipilit ng magulang ko ang pangarap niya? Bakit nung panahong siya ang mag-aasawa o nag boyfriend, bakit hindi doktor o inhinyero ang pinili niya?..

Bakit sakin? bakit ako? gustuhin ko man ng isang inhinyero, ayaw naman sa akin? anong magagawa ko?

15 years love lifeWhere stories live. Discover now