YEAR 2: Kaylangan gumawa ng paraan

833 8 0
                                    

Hindi ko alam, paanong gagawin ko para lang magkakilala kami, o makilala niya ako.

Syempre, babae ako, at napaka ackward naman kung ako pa mismo ang lalapit sa kanya,

lalo na't hindi naman ako kagandahan.

Dahil sa mga kabarkada ko, nalaman kong Civil Engineer ang course niya, at Computer Science naman ako, naisip ko na din na mag shift ng course dahil sa kanya, pero nung maisip ko ang madaming Math subject, di bale na lang. 

Pareho naman kami ng department, kaya sigurado, madalas ko siyang makikita.

Hindi nga ako nagkamali.

Sumali ako sa isang club, at nakita ko ang name at cellphone # niya na naka register.

Boom! Agad kong kinopya at syempre pag-uwi, nagsend agad ako ng message at nagpakilala.

Siguro kung naging lalake lang ako, malamang hindi ako torpe. 

Gabi na ng may marecieve akong reply galing sa kanya.

"Hi, hindi kita kilala, pero siguro kung makikita kita, matatandaan kita..

Saka, wag kana pala magtext dito, kasi sa pinsan ko to."

Aray! para akong napahiya na pinagsarhan ng pinto. Pero dahil crush ko, palagi kong ginagawang positive ang negative.

"Siguro nga, hindi kanya yung phone, di bale, makikilala naman daw niya ako.. sana nga"

Punong - puno pa ako ng pag-asa. ~ 100%

15 years love lifeWhere stories live. Discover now