May nareceive akong text ni Arcie at sabi niya, "palagi naman si Larry pinapansin mo. Pag kinakausap kita,palagi si Larry hinahanap mo"
Si Larry ang kabarkada niya na naging classmate ko noon sa isang subject, at dahil naging ka close ko na din, (para lang makausap si Arcie), kunwari, hahanapin ko sa kanya si Larry. Isang maling taktika pala ang ganon. Posibleng ikadulot ng selos, dahil iisipin ni crush, ginagamit mo lang siya para mapalapit sa kabarkada niya, at aakalain niyang barkada niya ang nagugustuhan mo.
Hindi ko namamalayan, may gusto na pala sakin si Larry , instead na si Arcie. Kaya pala, palagi akong kinakausap sa telephone, at kinakamusta sa school. Alam ni Larry na matagal na kong may gusto kay Arcie, kaso, palaging iniiba ni Larry ang usapan pagdating kay Arcie. Wala naman akong pagtingin kay Larry, dahil si Arcie lang ang gusto ko.
Napansin kong unti-unti ng lumalayo sakin si Arcie, at panay lapit naman ni Larry. Pag kausap ko si Larry, kay Arcie ako nakatingin, pero nakikita kong parang malungkot mga mata niya. Hindi ko rin alam anong gagawin ko. Kaya, iniwasan ko na lang sila pareho.
Pinilit kong mag focus sa pag-aaral lalo na sa thesis namin.4th yr college na ko, pero nahuhuli parin ako sa thesis. Umuuwi na agad ako pagtapos ng klase, at hindi ko na tinetext si Arcie. Hindi ko na rin pinapansin si Larry.
Hanggang isang araw, may text sakin si Arcie na sobrang kinalungkot ko.
YOU ARE READING
15 years love life
RomanceStory about love,friendship, trials and a happy beginning.