Ano daw ang pagkakaiba ng love sa inlove?
Ang love, mahal mo lang siya, pero minsan, hindi mo siya namimiss. Okey lang kahit wala siya,pero alam mo, importante rin siya sa buhay mo. Masaya ka pag nakikita mo siya, pero hindi ka kinikilig. Pero ang IN-love, mas malala daw un. Minsan, nagugulat ka na lang, napapaluha ka na pala, dahil sobra mo siyang namimiss. Hindi ka mapakali pag hindi mo siya nakikita, madalas, napapanaginipan mo pa siya. Naghahalo ang kilig at saya pag nakikita mo siya.
At this point, alam kong in-love parin ako kay Arcie, at love palang kay Philip. Masakit man para kay Philip pero alam niya, at sinabi ko sa kanya ang totoo, dahil tinanong niya ako kung anong gagawin ko kung manligaw sakin si Arcie. Sagot ko, ay iiwan ko siya at sasagutin ko si Arcie. Hindi man siya umiimik, alam kong masakit yun, pero isa na rin yun pagsubok para kay Philip kung anong gagawin niya.
Akala ko, 18 years old n siya at 19 naman ako.Nung nanliligaw pa lang siya, Ate tawag niya sakin. Hindi ko siya pinapansin, kasi nga mas bata sa akin. Nalaman ko na lang na halos 4 years pala agwat namin. Pero dahil araw- araw niya akong hinahatid at sinusundo at madalas niya akong napapatawa, unti - unti na ring nahulog loob ko sa kanya. Kahit wala pa siyang cellphone noon, alam kong mahirap ang communication para sa amin , pero nakikita kong matiyaga siyang nag-aantay.
Isang araw, hindi ako nakauwi ng maaga dahil sa thesis namin. Halos 11PM na, nasa school pa ako, naubusan ng tricycle, at may bitbit pa kong malaking monitor (CRT pa uso noon) habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep.
Pagod na pagod ako noon, pero may biglang tumawag sa akin. "JC!" si philip pala, sinadya niya akong sunduin sa school dahil nag-aalala na siya kung bakit wala pa ako sa amin. Kahit alam kong wala siyang perang pamasahe, nakagawa parin siya ng paraan para sunduin ako.
sabi nga ng iba,Love will find a way.
At dahil dyan, graduate na ako ng college. yehey!
YOU ARE READING
15 years love life
عاطفيةStory about love,friendship, trials and a happy beginning.