Block section ~ kadalasan naman pag first year college ganito ang section.
Eto yung mga estudyanteng makikita mong kahit saan magpunta, magkakasama sila, hindi naghihiwa-hiwalay, pupunta ng canteen at kakain ng sabay-sabay. Nagtatawanan pero mahihina lang ang boses, may dalang malaking bag, folder, at may libro pa. Napaka ayos ng uniform, at sumusunod sa school rules & regulation.
Ganito kami noon, pero ang pagkakaiba, ako ang reyna sa section namin. Nineteen kami sa last block, pero ako lang babae. Hehehe.
Masaya kasi, parang andami kong body guards. Ewan ko lang sa mga classmate kong lalake kung masaya rin sila.. sigurado, hindi, kasi wala silang ibang nakikitang mukha.
Ang kaibigan kong si Angel, napunta sa kabilang section,kaya ang nagyari, halos dalawang section kaming magkakabarkada.
Pero kahit madami kami, naiisip ko parin c crush :)
"Asan na kaya siya, saang school kaya sia nakapasok, sayang, ni hindi man lang kami nagkakilala" mga iniisip ko habang naka tayo sa 2nd floor ng balcony ng school namin.
Pag dungaw ko sa ibaba, nakita ko si crush!
Naka uniform, at dito rin pala siya nag college.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Basta ang alam ko, naiiyak ako na naiihi. Ewan!
YOU ARE READING
15 years love life
RomansaStory about love,friendship, trials and a happy beginning.